Lie Reposposa, binahagi ang video ng pagkikita ng mga magulang at ng boyfriend niya

Lie Reposposa, binahagi ang video ng pagkikita ng mga magulang at ng boyfriend niya

- Binahagi ni Lie Reposposa ang video ng unang pagkikita ng kanyang mga magulang at ng boyfriend niyang si Paul Joshua Marsden

- Sa kanyang binahaging reels ay masayang nakipag-usap si Paul sa kanyang mama at papa

- Kasama niya ang boyfriend sa kanyang pag-uwi sa Davao na kanyang binahagi din sa social media

- Marami naman ang natuwa sa boyfriend niya na nakipag-usap at nakipagbiruan din sa pamilya ni Lie

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Lie Reposposa sa kanyang binahaging video ang unang pagkakataon na nagkita ang kanyang mga magulang at boyfriend niya. Kasama niya ang boyfriend na si Paul Joshua Marsden sa kanyang pag-uwi sa Davao.

Lie Reposposa, binahagi ang video ng pagkikita ng mga magulang at ng boyfriend niya
Lie Reposposa, binahagi ang video ng pagkikita ng mga magulang at ng boyfriend niya (@liereposposaofc)
Source: Instagram

Kahit hindi masyadong marunong magsalita ng English ay masayang nakipag-usap ang mga magulang niya sa boyfriend ni Lie.

Marami naman ang natuwa sa boyfriend niya na nakipag-usap at nakipagbiruan din sa pamilya ng dalaga.

Read also

Alex Gonzaga, nahampas ni Mommy Pinty matapos magulat sa video na pinapanuod nito

Narito ang ilang komento:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ibig sabihin disidido talaga si bf ky Lie kasi pumunta talaga sya sa bahay nila.
Finally you meet your future father and mother in -law.Just enjoy.
Ang cute marunong siya makisama.

Unang nakilala si Lie bilang si Angelie “Lie” Reposposa nang sumali siya bilang isa sa mga daily contender ng 'Tawag ng Tanghalan' sa It's Showtime. Hindi man pinalad na manalo, ito ang naging daan upang mapasali siya sa Pinoy Big Brother kung saan napabilang siya sa mga finalist matapos niyang hiranging isa sa nanalo sa kanilang batch.

Kamakailan ay inilabas ni Lie ang kanyang sama ng loob matapos niyang matuklasan ang umano'y pangba-backstab ng kanyang teacher. Aniya, dahil nais niyang mapagsabay ang pagtatrabaho at ang pag-aaral, sinubukan niya ang Alternative Learning System o ALS. Kasabay ng kanyang mensahe kaugnay sa kanyang saloobin sa nasabing teacher, ibinahagi niya ang screenshot ng mensahe ng teacher kung saan makikitang kausap nito ang ilan ding nag-aaral sa ALS. Nasabi pa nito na si Lie umano ay feeling artista na talaga namang inalmahan ng mga tagahanga ni Lie.

Read also

Gretchen Malalad, kakasuhan ang kasambahay na sinubukang lasunin ang mga pusa

Game na game si Melai Cantiveros sa 'Bisaya Challenge' sa kanya ni Kim Chiu. Part 2 na ito dahil ang unang nakasama ni Kim sa kanyang bisaya challenge ay sina Maymay Entrata at Lie. Marami raw ang naghanap kay Melai sa part 1 kaya naman siniguro ni Kim na makakasama na niya ito sa part 2. Lalo pang naaliw ang mga nakapanood dahil sa makulit na tawa ni Kim na tuwang-tuwa kay Melai.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate