Ogie D kay Mommy Divine na inirereklamo ng empleyado: "Baka ipa-Tulfo ho kayo"

Ogie D kay Mommy Divine na inirereklamo ng empleyado: "Baka ipa-Tulfo ho kayo"

- Isang nagpakilalang empleyado umano ng ina ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine ang nag-text kay Mama Loi ng Ogie Diaz Showbiz Update

- Inihayag nito ang umano'y mga maling pamamalakad ni Mommy Divine sa kanila

- Ani Ogie Diaz, hindi ito ang unang pagkakataon na narinig niya ang naturang reklamo na noo'y naisantabi lamang niya

- Gayunpaman, bukas umano ang Showbiz Update channel niya sa panig naman ni Mommy Divine

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pinakabagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update ngayong Disyembre 17, isiniwalat ni Mama Loi ang umano'y conversation nila ng nagpakilalang empleyado 'di umano ni Mommy Divine Geronimo, ang ina ni Sarah Geronimo Guidicelli.

Ogie D sa reklamo ng empleyado sa among si Mommy Divine: "Baka ipa-Tulfo ho kayo"
Ogie Diaz (Ogie Diaz Showbiz Update)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ang naturang empleyado ay inirereklamo si Mommy Divine ng hindi pagtrato sa kanila ng tama.

Aniya, may ilang mga bagay na nalalabag na umano nito bilang kanilang employer.

Read also

Andrew Schimmer, ipinakitang hawak ang kamay ng misis sa mga huling sandali nito

"Violations sa labor code, Hindi bayad ang 31st ng buwan kung meron kahit na nagtrabaho ng araw na iyon. Walang overtime pay. Walang double pay. Delayed ang sahod, no restdays kahit na magpa-approve ka hindi niya papansinin. Hindi nagbabayad ng government mandated benefit. Hino-hold ang tao pag gusto nang umalis, ayaw payagan agad. Ginigising ang tao kahit na oras ng pahinga para lang magbaba ng mga dala niya. Pinapakain ang mga tao niya ng paa ng manok at paulit-ilit at ulo ng manok,hindi pagpansin kahit na may sakit ang tao. Kagaya nito, hindi na naman siya nagpasahod kahapon," ang sinasabing mga kamalian umano ni Mommy Divine na nai-text ng empleyado kay Mama Loi.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Meron pa silang screenshot para patunayan sa amin na talagang meron silang conversation yung nakikiusap na need niyang makipag-appointment bago makapasok at makuha ang mga gamit niya at isang regulasyon ng kompanya na bawal kunin ng ibang staff ang salary ng nagmamay-ari ng sahod," pahayag naman ni Ogie Diaz.

Read also

Andrew Schimmer sa pagpanaw ng misis: "Inabutan natin siyang nire-revive"

Sinasabing paiba-iba rin umano ng instructions si Mommy Divine na pati ang mga security guards ay nakikialam umano sa internal affairs sana na dapat employer-employee lamang.

Ayon pa kay Ogie D, hindi ito ang unang beses na nakarinig umano siya ng reklamo sa ina ng Popstar Royalty.

"Mas maganda, harapin ito ni Mommy Divine. Kasi siyempre mahirap na po ito lalo sa panahon ngayon. Mommy Divine Geronimo, baka ipa-Tulfo ho kayo ng inyong empleyado na nagrereklamo sa inyo."

"Mas maganda na ayusin na po natin ito, para naman sa ganon makapamuhay ang lahat ng maayos," payo niya kay Mommy Divine.

Bukas din umano ang kanyang Showbiz Update YouTube channel para naman sa panig ni Mommy Divine.

Si Divine Geronimo ay ang ina ng nag-iisang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo. Kamakailan, muling gumawa ng ingay sa social media si Sarah matapos na muling ibulalas ang pagnanais na magkaayos na umano sila ng kanilang pamilya lalo na ng kanyang mga magulang. Gayunpaman, sa isa sa mga episode ng Showbiz Now Na ni Cristy Fermin, sinabing pinabura ng mister ni Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli ang naturang post dala ng matinding awa umano sa kanyang misis.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel