Pauleen Luna, proud na binahagi ang video ng pag-lead ni Tali sa pag-awit ng Lupang Hinirang

Pauleen Luna, proud na binahagi ang video ng pag-lead ni Tali sa pag-awit ng Lupang Hinirang

- Hindi maitago ni Pauleen Luna ang kanyang kasiyahan sa husay na pinakita ng anak niyang si Talitha

- Sa kanyang binahaging video ay makikita si Tali na nagsasalita sa entablado bago tuluyang pangunahan ang pag-awit ng pambansang awit ng Pilipinas

- Ani Pauleen, proud na proud siya sa anak sa parte nito sa Christmas program ng kanilang paaralan

- Sinabi din ni Pauleen na lagi lang siyang nakasuporta sa kanyang anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Proud si Pauleen Luna sa anak na si Tali matapos nitong pangunahan ang pag-awit ng pambansang awit sa Christmas program ng kanilang paaralan. Sa kanyang binahaging video ay makikita si Tali na nagsasalita sa entablado bago ang pag-awit ng "Lupang Hinirang."

Pauleen Luna, proud na binahagi ang video ng pag-lead ni Tali sa pag-awit ng Lupang Hinirang
Pauleen Luna, proud na binahagi ang video ng pag-lead ni Tali sa pag-awit ng Lupang Hinirang (@pauleenlunasotto)
Source: Instagram

Si Pauleen Luna ay isang aktres at isa sa mga regular na host ng Eat Bulaga. Kilala rin siya bilang si "Poleng" dahil sa galing niya sa panggagaya ng boses batang babae. Si Pauleen ay kinasal sa kanyang co-host na si Vic Sotto noong Enero 30, 2016. Ipinanganak ni Pauleen ang unang baby nila ni Vic noong November 6, 2017.

Read also

Ice Seguerra, sinorpresa ang dating ka-loveteam na si Spencer Reyes

Kinaaliwan ang ibinahagi ni Pauleen na masayang kulitan nila kasama ang anak na si Tali at asawang si Vic. Nakipaglaro ang mag-asawa sa anak nila sa isang inflatable kiddie pool na mayroong slide. Hindi naman maitago sa mukha ng kanilang anak na makasama ang kanyang mommy at daddy. Marami sa mga netizens ang naaliw sa masayang bonding moment ng pamilya ni Bossing Vic.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang naaliw sa ibinahaging video ni Pauleen sa kanyang Instagram account. Ito ay ang video ng anak na si Tali kung saan tinuturo nito ang picture ng kanyang Tito Wally Bayola na kasama sa wedding pictures ng kanyang mga magulang. Inilarawan ni Tali ang kanyang Tito Wally na wala umano itong buhok at mukha daw itong squid. Matapos matawa ng kanyang ina, kinatwiran ni Tali na kaya niya nasabing mukhang squid ang kanyang Tito Wally ay dahil wala umanong buhok ang mga squid.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel