ABS-CBN at GMA, sanib puwersa sa ipalalabas na bagong teleserye

ABS-CBN at GMA, sanib puwersa sa ipalalabas na bagong teleserye

- Inihayag na ang teleseryeng pinagtulungang buuuin umano ng ABS-CBN at ng GMA

- Ayon kay Ogie Diaz, malaki ang posibilidad na isasa-ere ito ng GMA ngunit ang buong produksyon ay mula ABS-CBN

- Pangungunahan ito nina Jodi Sta. Maria at Joshua Garcia na pawang mga Kapamilya at sina Richard Yap at Gabbi Garcia na mga Kapuso

- Nakadagdag din umano sa pananabik ng publiko ay ang muling pagsasama nina Richard at Jodi sa telebisyon na matatandaang unang nagtambal sa 'Be Careful with my heart'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kumpirmado na ang pagkakaroon ng teleseryeng sanib puwersang binuo ng ABS-CBN at GMA.

ABS-CBN at GMA, sanib puwersa sa ipalalabas na bagong teleserye
Richard Yap and Jodi Sta. Maria (The Jodi Sta. Maria)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ito ang kauna-unahang pagkakataon na pagtutulungan ng dalawang malaking istasyon sa bansa ang isang proyekto kung saan ang mga artista at mula rin sa kanilang bakuran.

Read also

Ogie D kay Mommy Divine na inirereklamo ng empleyado: "Baka ipa-Tulfo ho kayo"

Ayon sa showbiz update ni Ogie Diaz pawang mga taga-ABS-CBN ang production nito subalit sinasabing isasa-ere ito sa GMA.

Sina Richard Yap at Gabbi Garcia ang mga artista sa serye na mula sa bakuran ng GMA habang ang mula naman sa ABS-CBN ay sina Joshua Garcia at ang tinanghal na Best Actress sa Asian Academy Creative Awards na si Jodi Sta. Maria.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Napaghihilom ba ng pag-ibig ang pusong sugatan?" ang caption ng serye post ukol dito sa Kapamilya Online World.

Inaasahang isa ito sa mga seryeng pakaaabangan sa taong 2023 lalo na at magkakasama muli ang 'Be Careful with my heart' love team na sina Richard at Jodi noong 2012 hanggang 2014.

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Read also

Ice Seguerra, sinorpresa ang dating ka-loveteam na si Spencer Reyes

Bukod sa seryeng 'Unbreak my heart' inanunsyo rin kamakailan ni Ogie Diaz na si Andrea Brillantes ang napili bilang gaganap na Dyesebel saerye na mapapanood sa susunod na taong 2023.

Nagkaroon na rin umano ng teaser para sa bagong serye kung saan si Andrea naman ang bibida sa role na minsan na ring ginampanan ni Anne Curtis. Matatandaan ding kasama noon sa serye sa Ogie Diaz.

Marami ang nagtatanong kung marunong daw bang maglangoy si Andrea. Nabanggit din ni Ogie na isa pala umanong diver ang ina nito kaya naman tila noon pa man ay handang-handa na sa role na Dyesebel ang aktres.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel