Gary Valenciano, nagbahagi ng update: "I’m on my way to getting much better"

Gary Valenciano, nagbahagi ng update: "I’m on my way to getting much better"

- Minabuti ni Gary Valenciano na linawin ang tungkol sa kanyang tweet na aniya ay nagdulot ng pagkabahala ng mga taong nagmamahal sa kanya

- Humingi siya ng dispensa dahil dito at nagpasalamat para sa lahat ng nagpakita ng kanilang tunay na pagmamalasakit sa kanya

- Sinabi niya rin na malapit na rin siyang gumaling at kakailanganin niya lang ng pahinga

- Matatandaang sa naunang tweet niya ay marami ang nabahala at nag-alala para sa kalusugan ni Gary

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Gary Valenciano, malapit na rin siyang gumaling at kakailanganin niya lang ng pahinga. Minabuti niyang linawin ang tungkol sa kalagayan niya matapos mabahala ng mga tagasuporta niya dahil sa kanyang tweet.

Gary Valenciano, nagbahagi ng update: "I’m on my way to getting much better"
Gary Valenciano, nagbahagi ng update: "I’m on my way to getting much better" @garyvalenciano)
Source: Instagram

Humingi siya ng dispensa dahil dito at nagpasalamat para sa lahat ng nagpakita ng kanilang tunay na pagmamalasakit sa kanya.

Read also

Ellen Adarna, sinabing nahawa na kay Derek si Elias sa pagiging OC nito

Hi everyone. Looks like my last tweet caused many to panicMy apologies✌Thanks for your genuine concernI’m on my way to getting much better friendsWe all hit moments when our bodies just need to rest and i know that’s what I need. I love you all. Thanks again. I’m OK

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Gary Valenciano o Edgardo Jose Santiago Valenciano sa totoong buhay ay isang kilalang singer-songwriter, dancer, musician, actor, music producer at TV host. Nakilala siya sa bansag na Mr. Pure Energy dahil sa todo-bigay niyang mga performance. Asawa niya si Maria Anna Elizabeth "Angeli" Pangilinan, kapatid ng dating senador na si Kiko Pangilinan.

Kamakailan ay naibahagi ni Gary Valenciano sa Twitter ang kanyang pamomroblema sa kanyang boses at lalamunan. Aniya, ilang linggo na rin niyang iniinda iyon. Ikinabahala niya ang kanyang kalagayan dahil sa nakatakda niyang pagganap sa musical na "Joseph the Dreamer." Sa kabila nito ay hindi siya nawawalan ng pag-asa at patuloy na nagdasal para sa kanyang paggaling.

Sa pagpanaw ng kapwa mang-aawit na si Jovit Baldivino, kabilang si Gary sa nagbahagi ng kanyang mensahe. Sa kanyang tweet, naibahagi ni Gary na lagi nitong inaantabayanan ang pagkanta ni Jovit sa ASAP. Aniya, hindi pa rin siya makapaniwala na wala na si Jovit. Aniya, lagi niyang pinapalakas ang loob ni Jovit na ipagpatuloy ang kanyang pagbabahagi ng kanyang talento.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel