Lyca Gairanod, binahagi ang video ng paghatid niya sa boyfriend sa airport

Lyca Gairanod, binahagi ang video ng paghatid niya sa boyfriend sa airport

- Naibahagi ni Lyca Gairanod sa kanyang Facebook post ang video ng kanyang paghatid sa boyfriend niya sa airport

- Ani Lyca, tatlong buwan lang ding mamalagi sa US ang kanyang boyfriend at babalik din siya

- Isang halik sa noo at yakap ang ginawad ng boyfriend kay Lyca bago ito naglakad papasok ng airport

- Hindi naman nakaligtas si Lyca sa pangangantiyaw ng mga kasama niya at niloloko nila siyang paiyak na daw ang dalaga

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hinatid ni Lyca Gairanod ang kanyang boyfriend sa airport dahil pupunta umano itong America. Ani Lyca, tatlong buwan lang ding mamalagi sa US ang kanyang boyfriend at babalik din siya.

Lyca Gairanod, binahagi ang video ng paghatid niya sa boyfriend sa airport
Lyca Gairanod, binahagi ang video ng paghatid niya sa boyfriend sa airport (@lycagairanod.1)
Source: Instagram

Bago tuluyang naglakad papasok sa airport ginawaran si Lyca ng boyfriend ng halik sa noo at niyakap ang dalaga. Hindi naman nagpakita ng pagkalungkot si Lyca ngunit tinatanaw na lang nito ang boyfriend habang naglalakad papalayo. Hindi naman nakaligtas si Lyca sa pangangantiyaw ng mga kasama niya at niloloko nila siyang paiyak na daw ang dalaga.

Read also

Pamilya ni Melai Cantiveros, kinaaliwan sa kanilang New Year family picture

Matatandaang nitong pagdiriwang ng kaarawan ni Lyca, pormal niyang pinakilala ang kanyang boyfriend.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Lyca Gairanod ay unang sumikat sa social media matapos kumalat ang video niya na kumakanta. Siya ang tinanghal na kampiyon sa The Voice Kids Season 1. Hindi lingid sa marami ang kwento ng buhay ni Lyca. Nagmula siya sa mahirap na pamilya ngunit unti-unti niyang nabigyan ng katuparan ang mga pangarap nila sa pamamagitan ng kanyang talento.

Kamakailan ay napasigaw si Lyca nang buksan niya ang inabot ni Yassi Pressman sa kanya na dilaw na sobre. Ayon kay Yassi ay pagkain daw ito na natikman niya sa abroad na ang tawag ay Rattle snake eggs. Aminado si Lyca na nagagandahan siya sa kulay ng mga ahas ngunit hindi daw talaga niya kayang hawakan ang mga ito. Hindi lingid sa publiko ang hilig ni Yassi sa pag-aalaga sa ahas at sa katunayan ay mayroon siyang alagang ahas sa kanyang bahay.

Samantala, naging emosyonal si Yassi matapos niyang mapakinggan ang pagkanta ni Lyca ng awiting "Kabilang Buhay" ng Bandang Lapis. Ito ay ginamit sa pelikula ni Yassi na "More Than Blue" kung saan nakapareha niya si JC Santos. Ani Yassi, iba pala talaga si Lyca pag kumakanta dahil mararamdaman talaga ang mensahe ng kanta. Si Lyca ang nakasama ni Yassi sa kanyang YouTube segment na #CAReokeWithYassi.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel