Yassi Pressman, emosyonal nang mapakinggan nang personal ang pagkanta ni Lyca Gairanod

Yassi Pressman, emosyonal nang mapakinggan nang personal ang pagkanta ni Lyca Gairanod

- Emosyonal si Yassi Pressman matapos niyang mapakinggan ang pagkanta ni Lyca Gairanod ng awiting "Kabilang Buhay" ng Bandang Lapis

- Ito ay ginamit sa pelikula ni Yassi na "More Than Blue" kung saan nakapareha niya si JC Santos

- Ani Yassi, iba pala talaga si Lyca pag kumakanta dahil mararamdaman talaga ang mensahe ng kanta

- Si Lyca ang nakasama ni Yassi sa kanyang YouTube segment na #CAReokeWithYassi

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naluha si Yassi Pressman matapos niyang personal na mapakinggan ang madamdaming pagkanta ni Lyca Gairanod ng awiting "Kabilang Buhay" ng Bandang Lapis. Si Lyca ang nakasama ni Yassi sa kanyang YouTube segment na #CAReokeWithYassi.

Yassi Pressman, emosyonal nang mapakinggan nang personal ang pagkanta ni Lyca Gairanod
Yassi Pressman, emosyonal nang mapakinggan nang personal ang pagkanta ni Lyca Gairanod (@yassipressman)
Source: Instagram

Matatandaang nagamit ang natuirang kanta sa pelikula ni Yassi na "More Than Blue" kung saan nakapareha niya si JC Santos.

Ani Yassi, kinilabutan siya habang nakikinig kay Lyca at muli niyang naramdaman ang sakit na naranasan ng kanyang karakter sa naturang pelikula.

Read also

Lyca Gairanod, napatili sa Rattlesnake Eggs prank ni Yassi Pressman

Puring-puri niya si Lyca sa husay nito sa pagkanta. Matatandaang nag-viral ang pagkanta ni Lyca ng awiting ito sa Wish Bus.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Yassi Pressman o Yasmin Isabel Yasto Pressman sa totoong buhay ay isang Filipino-British model, actress, television personality, singer, at dancer. Matatandaang naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016. Kinalaunan ay naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsiyano kung saan gumanap siyang Alyana Arevalo, ang asawa ni Cardo Dalisay na ginagampanan ni Coco Martin.

Sa ibinahaging video ng content creator na si Rob Moya, makikita ang kanyang pakikipag-usap kay Yassi. Ito ay nang isa si Rob sa mga guest sa game show kung saan si Yassi ang host na napapanood sa TV5. Aminado si Rob na crush niya si Yassi at alam niya umanong imposibleng maging boyfriend siya nito pero tinanong niya ang aktres kung siya ba ang tipo ng lalaki na papayagan ni Yassi na manligaw sa kanya.

Samantala si Alex Gonzaga ang kauna-unahang guest ni Yassi sa kanyang CAReoke sa kanyang YouTube channel. Sa naturang video ay naibahagi ni Alex kung paano nabuo ang kanta na nagmula sa pagtawag nila ng chambe sa kanyang pamangking si Seve Soriano. Marami naman ang naaliw sa pagiging energetic ng dalawa dahil hindi din nagpahuli si Yassi sa kakulitan ni Alex.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel