Ellen Adarna, aminadong isang beses lang naipagluto si Derek Ramsay

Ellen Adarna, aminadong isang beses lang naipagluto si Derek Ramsay

- Ayon kay Ellen Adarna, masyadong OC si Derek Ramsay lalo pagdating sa kusina ng bahay nito

- Kaya naman, ayon kay Ellen ay ayaw na lang daw niyang magluto at mas pinipili na lang na mag-order ng pagkain

- Araw-araw umano niyang nakikita si Derek na nagche-check ng mga gasgas sa kanilang kitchen

- Ayaw din umano ni Ellen magluto sa kusina nilang isa dahil aniya ay pinagpapawisan siya doon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Ellen adarna, isang beses niya lang naipagluto si Derek Ramsay at iyon umano ay nangyari noong hindi pa sila kasal. Ayaw niya umanong magluto sa kusina nila dahil sa sobrang pagiging OC ni Derek.

Ellen Adarna, aminadong ayaw magluto sa mamahaling kusina ni Derek Ramsay
Ellen Adarna, aminadong ayaw magluto sa mamahaling kusina ni Derek Ramsay (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

Araw-araw umano niyang nakikita si Derek na nagche-check ng mga gasgas sa kanilang kitchen. Ayaw din daw niyang magluto sa isa pang kusina ng bahay nila dahil pinagpapawisan umano siya. Ayon kay Ellen ay ayaw na lang daw niyang magluto at mas pinipili na lang na mag-order ng pagkain.

Read also

Ellen Adarna at Derek Ramsay, hindi umano pinlano ang 2nd wedding nila

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Biro naman ni Derek, palusot lang iyon ni Ellen dahil ayaw niya lang talaga magluto.

Si Derek Ramsay ay isa sa mga pinakahinahangaang leading man sa bansa. Bumida siya sa ilang mga pelikula kagaya na lamang ng No Other Woman at English Only, Please. Matatandaang naging usap-usapan ang naging pahayag ni Derek tungkol sa ex-boyfriend ni Ellen na si John Lloyd Cruz na siya ring ama ng unico hijo ni Ellen na si Elias.

Sa kabila ng pagiging masaya ng buhay-pag-ibig ng aktor, marami pa rin ang nambabatikos sa kanila ni Ellen. Gayunpaman, hindi ito inaatrasan ng dalawa at maraming beses na silang sumasagot sa mga bashers nila. Malimit ding kinagiliwan ng mga netizens ang pagiging malapit ng anak ni Ellen sa kanyang Tito Derek.

Sa kanyang Instagram story nitong Sabado, pinakita ni Ellen Adarna ang isang boat jet na may nakalagay na pangalan niya. Maririnig ang kanyang pagsasalita sa video sa kanyang IG story kung saan sinabi niyang impulsive ang kanyang asawa. Naka-tag din sa naturang video clip si Derek at biniro pa ni Ellen ang mister na magsusumbong siya sa mommy nito. Sa isa pang story ay makikita si Ellen at ang anak niyang si Elias na nakasakay sa boat jet.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate