Cedric Lee sa pansamantalang paglaya ni Vhong Navarro: "Hindi pa tapos ang laban"

Cedric Lee sa pansamantalang paglaya ni Vhong Navarro: "Hindi pa tapos ang laban"

- Nagpaabot umano ng mensahe si Cedric Lee matapos mapayagan si Vhong Navarro na makapagpiyansa

- Ayon sa ulat ng GMA News, sinabi umano nito na hindi pa tapos ang laban at mahaba pa ang laban na ito

- Si Cedric ay isa sa mga taong kinasuhan ni Vhong sa pambubugbog sa kanya noong Jan. 17, 2014

- Matatandaang nitong Martes lang, December 6, 2022 ay nakalaya ng pansamantala ni Vhong matapos makapagpiyansa ng P1 milyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Cedric Lee, hindi pa tapos ang laban at hindi natutulog ang Diyos. Ito ang pahayag niya ayon sa ulat ng GMA News, matapos makalaya pansamantala ni Vhong Navarro matapos nitong makapagpiyansa ng P1 milyon.

Cedric Lee sa pansamantalang paglaya ni Vhong Navarro: "Hindi pa tapos ang laban"
Cedric Lee sa pansamantalang paglaya ni Vhong Navarro: "Hindi pa tapos ang laban" (@vhongx44)
Source: Instagram

Matatandaang kabilang ang negosyanteng si Cedric Lee sa kinasuhan ni Vhong kaugnay sa pambubugbog sa aktor. Kabilang din siya sa tumistigo laban kay Navarro sa sinampang kaso ni Deniece Cornejo sa diumano'y ginawang panghahalay ni Vhong.

Read also

Cristy Fermin, inalmahan ang mga tumatawag kay Vhong Navarro na isa umanong kriminal

Matatandaang nitong Martes lang, December 6, 2022 ay nakalaya nang pansamantala ni Vhong matapos makapagpiyansa ng P1 milyon

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Vhong Navarro ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa miyembro ng all-male dancers na Streetboys. Sumikat din siya sa kanyang novelty songs na Totoy Bibo, Don Romantico at Chickboy. Naging bida din siya ng ilang pelikula kagaya ng Da Possessed, My Only You, Unli Life, D' Anothers, at Agent X44. Ikinasal siya sa creative manager at screenwriter na si Tanya Bautista.

Matapos ang kanyang pagpapahinga sa pagbabahagi ng YouTube content, muling nag-upload si Vhong ng bagong video sa kanyang YouTube channel. Ibinahagi niya ang isang car tour sa kanyang customized van na kanyang pinagawa sa Atoy Customs na kilala sa paggawa ng mga artista vans. Ani Vhong second hand niya lang nabili ang naturang van ngunit nagawa umano itong pagmukhaing sosyal matapos niyang ipa-customize. Sa kanyang vlog, pinakita ni Vhong ang iba't-ibang bahagi ng kanyang van na aniya ay bagay para sa kanya lalo na sa kanyang trabaho.

Nag-file ng kaso ang Taguig prosecutors laban kay Vhong Navarro kaugnay sa umano'y panggagahasa ng TV host kay Deniece Cornejo. Nauna nang binasura ng DOJ ang reklamo ni Cornejo dahil sa umano'y inconsistent na pahayag nito. Gayunpaman, pinayagan ng Court of Appeals ang petition ng kampo ni Cornejo kaugnay sa pagkakabasura ng kanyang reklamo. Mas maigi umano ayon sa Court of Appeals na patunayan ni Vhong na hindi totoo ang alegasyon sa kanya sa pamamagitan ng paglilitis sa kaso.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate