Cristy Fermin, inalmahan ang mga tumatawag kay Vhong Navarro na isa umanong kriminal

Cristy Fermin, inalmahan ang mga tumatawag kay Vhong Navarro na isa umanong kriminal

- May paalala si Cristy Fermin sa mga netizens na hayagang tinatawag si Vhong Navarro na isa raw kriminal

- Ani Cristy, hindi ito nararapat lalo na at hindi pa tapos ang mga pandinig sa kasong isinampa sa kanya ng kampo ni Deniece Cornejo

- Gumulantang sa publiko kamakailan ang balitang pinayagan nang magpiyansa si Vhong na siyang dahilan ng pansamantala niyang paglaya

- Matatandaang minsan nang inihayag ni Cristy ang panalangin nilang maging maayos ang takbo ng kaso na ito ni Vhong Navarro

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinaalalahanan ni Cristy Fermin ang ilang mga netizens na nagagawang tawagin na isang kriminal si Vhong Navarro.

Cristy Fermin, inalmahan ang mga tumatawag kay Vhong Navarro na isa umanong kriminal
Vhong Navarro (@vhongx44)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa umano si Cristy sa mga nagpasalamat at nakalaya na ang aktor na napiit mula pa noong Setyembre.

Subalit, may ilang mga netizens na bagama't nakapagpiyansa at pansamantalang nakalaya si Vhong, kriminal agad ang turing umano ng mga ito sa kanya.

Read also

Xian Gaza, pinayuhan si Vhong Navarro: "Gayahin mo ako... Madidiin ka lang diyan"

"Tabi-tabi naman po. sana naman 'wag nating tawaging kriminal agad-agad si Vhong Navarro," paalala ni Cristy sa publiko.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Hindi pa po kasi natatapos ang kabuuang pandinig ng dalawang kasong isinampa laban sa kanya," dagdag pa niya.

Ipinaliwanag din ni Cristy ang magiging lagay ni Vhong ngayong pansamantala na itong nakalaya buhat nang payagan itong magpiyansa ng nagkakahalaga ng Php1 million.

"Nakapagpiyansa na po siya. Mangyayari lamang po iyon [warrant of arrest] kapag sa pagdinig ng kaso ay hindi siya dumalo dahil siya ang akusado. Bench warrant po ang tawag doon. Yung kanyang piyansa na Php1 million kukumpiskahin ng korte," ani Cristy.

Gayunpaman, isa si Cristy sa mga nagpapasalamat at nabigyang pagkakataon ang It's Showtime host na makalaya habang patuloy na dinidinig ang kasong isinampa sa kanya ng kampo ni Deniece Cornejo.

Read also

Ogie Diaz, sinabing emosyonal ang mga anak ni Vhong sa pansamantalang paglaya nito

Narito ang kabuuan ng pahayag Cristy mula sa bagong episode nila ng Showbiz Now Na!:

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Sa naunang ulat ng KAMI, matatandaang maging si Cristy ay tila nadudurog ang puso na makita si Vhong na nasa ganoong estado na animo'y isang kriminal lalo na nang makitang naposasan ito sa paglipat patungong Taguig City jail. Ani Cristy, maituturing daw talaga ito na pinakamalaking pagsubok sa buhay ni Vhong.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica