Herlene Budol, 'tatambling' daw nang bongga sa Ms. Tourism: "Kase sinayang ni angkol"

Herlene Budol, 'tatambling' daw nang bongga sa Ms. Tourism: "Kase sinayang ni angkol"

- Ani Herlene Nicole Budol, sa Ms. Tourism siya tatambling nang bongga matapos niyang masungkit ang naturang korona sa katatapos lang na Miss Grand

- Dagdag pa niya, sinayang daw kasi siya ni 'angkol' kaya sa kanyang pageant na lang pag-iigihan

- Ito ang kanyang naging sagot sa post na kanyang binahagi sa kanyang mismong Facebook page

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa caption ng binahagi niyang post mula sa Bekis of Pageantry 2.0, tinanong siya kung bakit tila malungkot siya

Pabirong sinagot ni Herlene Nicole Budol ang tanong kaugnay sa kanyang reaksiyon matapos niyang nabigo na makuha ang korona bilang Miss Grand Philippines 2023. Aniya, sinayang siya ni angkol at sa Ms. Tourism na lang daw siya tatambling nang bongga.

Herlene Budol, 'tatambling' daw nang bongga sa Ms. Tourism: "Kase sinayang ni angkol"
Herlene Budol, 'tatambling' daw nang bongga sa Ms. Tourism: "Kase sinayang ni angkol" (@herlene_budol)
Source: Instagram

Sa caption ng binahagi niyang post mula sa Bekis of Pageantry 2.0, tinanong siya kung bakit tila malungkot siya sa kinalabasan ng pageant. Sagot niya rito ay dahil sinayang siya ni angkol.

Read also

Herlene Budol, gagamit ng interpreter sa Miss Tourism World sa London

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang si Nikki de Moura ng Cagayan de Oro ang nanalo bilang Miss Grand Philippines 2023. Ang pambato naman ng Quezon City na si Michelle Arceo ang nanalo ng korona bilang Reina Hispanoamericana Filipinas at si Herlene naman ay nanalo bilang Miss Philippines Tourism. Si Francine Reyes ng Tarlac naman ang nag-uwi ng korona bilang Miss Eco Teen Philippines.

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang sumikat sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa siya ay nasa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.

Matatandaang binahagi ni Herlene ang kanyang pakikipagkaibigan sa mga kapwa niya sa kandidata sa Miss Planet International 2022. Pinatikim niya sa mga ito ang dala niyang kutkutin na buto ng kalabasa. Tinuruan niya ang mga ito kung paano ang tamang pagkain nito at mukhang nagustuhan naman daw nila ang lasa. Matatandaang pumunta si Herlene sa Uganda sa Africa para sana sumabak sa Miss Planet.

Sa post ni Wilbert Tolentino, sinabi niyang hindi na kasali sa Miss Planet International 2022 si Herlene. Sa kanyang na binahagi sa Facebook, sinabi ni Wilbert na ito ay dahil sa umano'y "uncertainties" sa panig ng mga organizers. Humingi siya ng dispensa sa mga supporters at lahat ng sponsors at designer at pinasalamatan niya din ang mga ito. Ito sana ang kanyang kauna-unahang international pageant.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel