Herlene Budol, sa umano'y pangre-real talk sa sarili: "Ang sarap pala maging basher"

Herlene Budol, sa umano'y pangre-real talk sa sarili: "Ang sarap pala maging basher"

- Kinaaliwan si Herlene Nicole Budol sa mga hirit nito sa mga pang-uudyok ng netizens na sumali siya sa Miss Universe Pageant

- Aniya, masarap pala maging basher lalo na kung patama para sa kanyang sarili ang kanyang sinasabi

- Dagdag pa niya, tinuruan daw kasi siya noon na "Honesty is the Best Policy"

- Diretsahan niya kasing sinabi sa mga followers niya na huwag nang ipilit siya sa pageant na aniya ay hindi para sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan si Herlen Budol sa mga kwela nitong sagot sa mga pang-uudyok ng netizens na sumali siya sa Miss Universe Pageant. Aniya, masarap pala maging basher lalo na kung patama para sa kanyang sarili ang kanyang sinasabi.

Herlene Budol, sa umano'y pangre-real talk sa sarili: "Ang sarap pala maging basher"
Herlene Budol, sa umano'y pangre-real talk sa sarili: "Ang sarap pala maging basher" (@herlene_budol)
Source: Instagram

Ang tinutukoy nito ay ang kanyang mga sagot sa mga netizens na nagsabing mas maganda sana kung siya ang isinabak sa Miss Universe Pageant. Sinabi niyang hindi siya bagay sa ganoong pageant dahil aniya ay pangbardagulan lang siya.

Read also

Herlene Budol sa nagsabing dapat siya ang isinalang sa MU: "Malabo, bobo po ako"

Matapos mag-viral ang kanyang pahayag, marami ang naaliw sa umano'y pangba-bash ni Herlene sa sarili. Sa kanyang post, sinabi niyang tinuruan umano siyang "Honesty is the best policy."

Sa comment section sinabi pa ni Herlene na masarap daw pala maging basher lalo na kung patama para sa kanyang sarili ang kanyang sinasabi.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.

Matatandaang binahagi ni Herlene ang kanyang pakikipagkaibigan sa mga kapwa niya sa kandidata sa Miss Planet International 2022. Pinatikim niya sa mga ito ang dala niyang kutkutin na buto ng kalabasa. Tinuruan niya ang mga ito kung paano ang tamang pagkain nito at mukhang nagustuhan naman nila ang lasa. Matatandaang pumunta si Herlene sa Uganda sa Africa para sana sumabak sa Miss Planet.

Sa post ni Wilbert Tolentino, sinabi niyang hindi na kasali sa Miss Planet International 2022 si Herlene. Sa kanyang na binahagi sa Facebook, sinabi ni Wilbert na ito ay dahil sa umano'y "uncertainties" sa panig ng mga organizers. Humingi siya ng dispensa sa mga supporters at lahat ng sponsors at designer at pinasalamatan niya din ang mga ito. Ito sana ang kauna-unahang international pageant ni Herlene.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel