Darla Sauler, nag-post ng picture ng kanyang pagbisita kay Kris Aquino sa US

Darla Sauler, nag-post ng picture ng kanyang pagbisita kay Kris Aquino sa US

- Masayang binahagi ni Darla Sauler ang picture niya kasama ang mag-inang Kris Aquino at Bimby

- Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Darla na masaya siya na nakabisita siya sa mag-iina sa US

- Aniya, patuloy niyang pinagdadasal si Kris para sa tuluyan nitong paggaling sa kanyang sakit

- Marami naman ang natuwa na masilayang maaliwalas ang mukha ni Kris sa picture na binahagi ni Darla

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binisita ni Darla Sauler sina Kris Aquino at mga anak nitong sina Josh at Bimby sa US. Binahagi ni Darla ang kanilang picture na magkakasama at marami naman ang natuwa na masilayang maaliwalas ang mukha ni Kris sa picture.

Darla Sauler, nag-post ng picture ng kanyang pagbisita kay Kris Aquino sa US
Darla Sauler, nag-post ng picture ng kanyang pagbisita kay Kris Aquino sa US (@krisaquino)
Source: Instagram

Ani Darla, masaya siyang mabisita ang mag-iina at patuloy niyang pinagdadasal na gumaling na si Kris.

You always make time for family. Happy to visit and catch up with you and the kids while you’re in the US, Krisy. Continuously praying for your well-being. Love, love, love you, Bimb and Kuya always, @krisaquino.

Narito ang ilan sa komento ng netizens matapos makita ang bagong picture ni Kris:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Aww Nakakahappy naman makita si Ms.Kris na maayos na ulit
Wow, medjo nag gain xa ng weight
Get well soon Ms. @krisaquino . Waiting to see you back on screen doing what you love and do best. God bless you!

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Kamakailan ay nag-post si Kris Aquino upang alalahanin ang kanyang amang si Ninoy Aquino sa ika-90 kaarawan nito. Sa kanyang post, nagbahagi si Kris ng picture niya na nakasuot ng t-shirt na may nakalagay na mukha ng namayapang ama. Aniya, si Ninoy ay politiko para sa ibang tao ngunit para sa kanya ay isa itong ama na tinatawag siyang "beautiful." Aniya, maituturing niyang siya ang pinakapinagpala sa kanilang limang magkakapatid.

Pinasalamatan ni Cristy Fermin ang kanilang source sa mga detalye tungkol kay Kris. Ito ay dahil sa ang mga detalyeng ibinigay sa kanila ng source ay nakumpirma nilang tama dahil sa post mismo ni Kris. Aniya, maaring may koneksyon ang kanilang source na ito sa ospital o sa center kung saan siya nagpapagamot . Gayunpaman, hiling pa rin ni Cristy ang panalangin sa tuluyan nang paglakas at paggaling ni Kris.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel