Madam Inutz, emosyonal nang muling isuot ang 'burol' outfit sa 1st anniversary nito

Madam Inutz, emosyonal nang muling isuot ang 'burol' outfit sa 1st anniversary nito

- Muling isinuot ni Madam Inutz ang ibinibenta noong 'burol' outfit sa kanyang live-selling isang taon na ang nakalilipas

- Aniya, iyon ang nagdala ng napakaraming swerte sa kanya na siyang nagpabago ng buhay niya sa ngayon

- Naikwento niyang may nag-mine na nito ngunit binalik niya na lamang ang bayad dahil napakahalaga ng naturang blusa sa kanya

- Ipinakita rin ni Madam Inutz ang kanyang papatapos nang bahay na malapit na rin nilang malipatan ng kanyang pamilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Emosyonal si Madam Inutz nang muli niyang isuot ang 'burol' outfit na siyang nagpa-viral sa kanya, isang taon na ang nakalilipas.

Madam Inutz, emosyonal nang muling isuot ang 'burol' outfit sa 1st anniversary nito
Daisy Lopez (Madam Inutz)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na itinago na pala talaga ito ni Madam Inutz kahit pa mayroon na sanang nag-mine nito.

"May naka-mine nito pero binalik ko nalang 'yung bayad kasi nga iba yung pinasok nitong swerte sa'kin kaya hindi ko talaga siya bibitawan," ani Madam.

Read also

Zeinab Harake, sa kanyang pag-stress eating; "Tingin ko naman nakakabuti siya sa akin"

Matatandaang ang burol outfit niyang ito ang naging daan para siya ay mapansin at kalauna'y mapasok sa showbiz sa tulong ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

At makalipas nga ang isang taon buhat nang mag-viral, ipinakita ni Madam ang isa sa mga dati lamang niyang pinapangarap na biyaya at ito ay ang kanyang sariling bahay na kanila nang malilipatan.

Tulad ng mga nagdaan niyang vlog, hindi niya talaga mapigilang maging emosyonal sa tuwing siya ay nagtutungo sa kanyang bahay.

Labis din ang pasasalamat niya sa kanyang manager na si Wilbert na siyang dahilan ng sunod-sunod na tinatamasa niyang tagumpay ngayon.

Narito ang kabuuan ng kanyang anniversary vlog:

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay napansin sa kanyang kakaiba at nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling. Sa kabila nito tumatabo ng mahigit 15,000 ang mga viewers niya kaya naman mabilis siyang nakilala online.

Read also

Andrew Schimmer, masayang ipinakita ang muling pagdalaw ng mga anak sa kanilang Mommy Jho

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento ng kanyang pagsisikap.

Nang makalabas noon sa bahay ni Kuya, agad niyang hinarap ang mga proyektong inihanda sa kanya ng manager na si Wilbert Tolentino.

Kabi-kabilang mga guestings at interviews ang kanyang pinaunlakan at patuloy pa rin ang kanyang pagiging online raketera dahil sa mga bagong produkto na kanilang nai-launch kamakailan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel