Madam Inutz, namahagi ng maagang pamasko sa mga taga Cavite at Batangas
- Namahagi ng maagang pamasko si Madam Inutz sa mga taga Cavite at Batangas na nasalanta ng Bagyong Paeng
- Ito ay bilang tulong ng Team Ka-freshness, Ka-Inutz at Ka-budol lalo na at nalalapit na rin ang Kapaskuhan
- Nilinaw ni Madam Inutz na kaya lamang nila nagawang i-video ang pagtulong ay upang magsilbing alaala nila bilang influencer at vlogger
- Patuloy ang pamamahagi ng biyaya ni Madam Inutz na papatapos na rin ang tahanan kung saan makakasama pa rin niya ang kanyang buong pamilya
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ibinahagi ni Madam Inutz ang pamimigay nila ng maagang pamasko sa mga kababayan natin sa Cavite at Batangas na nasalanta noon ng Bagyong Paeng.
Nalaman ng KAMI na ito ay sanib pwersang pagtulong nina Wilbert Tolentino, Herlene Budol at ni Madam Inutz.
Maging sa pag-repack ng kanilang ipamamahaging relief goods ay matiyagang nakiisa si Madam Inutz.
"Gusto naming masaksihan niyo ang aming mabuting layunin bilang mabuting influencer."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Mga Inutz hindi namin ibina-vlog ito dahil gusto naming magpasikat. Bina-vlog namin ito para naman meron kaming memory kasi siyempre binabalik-balikan namin 'yung magagandang bagay na ginagawa namin para sa aming sarili. Masarap lang din kasi sa feeling 'yung nakaktulong kami kahit papaano," ani Madam Inutz.
Inuna nilang puntahan ang mga barangay ng Cavite at pinuntahan din nila ang mga taga-Batangas.
Isa lamang ito sa mga paraan ni Madam Inutz sa pamamahagi niya ng biyayang natatanggap. Matatandaang kamakailan, masaya niyang ibinahagi ang itsura ng kanilang ipinatatayong bahay sa tulong ng kanyang manager na si Sir Wil.
Sa tuwing makikita nga niya ito, hindi mapigilan ni Madam Inutz na maging emosyonal.
Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay napansin sa kanyang kakaiba at nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling. Sa kabila nito tumatabo ng mahigit 150,000 ang mga viewers niya kaya naman mabilis siyang nakilala online.
Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento ng kanyang pagsisikap.
Nang makalabas noon sa bahay ni Kuya, agad niyang hinarap ang mga proyektong inihanda sa kanya ng manager na si Wilbert Tolentino.
Kabi-kabilang mga guestings at interviews ang kanyang pinaunlakan at patuloy pa rin ang kanyang pagiging online raketera dahil sa mga bagong produkto na kanilang nai-launch kamakailan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh