Bride na nagkasakit, itinuloy pa rin ang pagpapakasal kahit nakasuwero

Bride na nagkasakit, itinuloy pa rin ang pagpapakasal kahit nakasuwero

- Itinuloy pa rin ng isang bride ang pagpapakasal kahit na siya ay naka-dextrose pa

- Isang araw bago ang kanyang wedding day, nagpositibo siya sa Dengue dahilan para siya ay ma-ospital

- Maging ang kanyang groom ay labis na nag-alala gayung inakala nitong makakansela ang wedding para na rin sa seguridad ng bride

- Subalit matagumpay nila itong naisagawa at natuloy ang kasalan sa itinakdang araw

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Walang nakapigil sa kasalan nina Levy Jaedicke Felix at ang ngayo'y mister na nitong si Richmond Ariola.

Bride na nagkasakit, itinuloy pa rin ang pagpapakasal kahit nakasuwero
The Bride: Levy Jaedricke Felix
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isang araw bago ang kanilang pag-iisang dibdib ay nagpositibo si Levy sa dengue.

Aminadong hindi naging madali ang pagdedesisyon lalo na at dapat pa nilang isaalang-alang ang kondisyon ng bride.

Subalit hindi ito nagpatinag sa kanyang kalagayan at pinili pa rin na magpakasal

Read also

Aiko Melendez, pinuntahan at tinulungan ang isang pamilyang nakatira sa likod ng mga nitso

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa tulong ng kanilang wedding coordinator na si Angeline Allvia Rivera, nasiguro ang lahat ng mga karagdagang detalye para masigurong mayroong aagapay sa kalagayan ng bride.

Mayroon ding doktor na nakaantabay sa kasal lalo na at naka-suwero pa ang bride.

Subalit napagtagumpayan nila ito at naging maayos ang takbo ng kasalang itinuloy pa rin sa araw kung kailan talaga ito itinakda.

Narito ang kabuuan ng kanilang kwento mula sa Philippine Star:

Kamakailan ay nag-viral din ang isang bride na napahagulhol nang malamang board passer na siya. Ibinalita kasi ito sa kanya, ilang minuto bago ang seremonya ng kanyang kasal.

Naging agaw-eksena rin ang newlyweds na motorsiklo ang ginamit bilang kanilang 'bridal car'

Sa halip na rumenta ng nasa Php3,500-5,000 na bridal car, naisipan na lamang mag-motor nina Jonel at Jolivie.

Read also

Cristy sa umano'y pag-prank ni Alex kay Mommy Pinty: "hinahanapan siya ng pagrespeto"

Ang lalo pang kahanga-hanga sa kanilang ginawa, ang bride pa talaga ang nagmaneho ng kanilang motorsiklo.

Marunong naman daw na mag-motor asi Jonel subalit mas sanay daw talaga si Jolivie kaysa sa kanya.

Kinagiliwan at hinangaan din ng marami ang isang kasalan na Php 3,000 lang ang nagastos ng bride at groom sa kanilang wedding reception na ginanap sa Mang Inasal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel