Bagong kasal na piniling mag-motor kaysa rumenta pa ng bridal car, kinagiliwan ng marami
- Hinangaan ng marami ang bagong kasal na piniling mag-motorsiklo kaysa magrenta pa ng bridal car
- Nag-viral ang kanilang maiksing video kung saan makikitang angkas ng bride ang kanyang groom
- Dahil mas sanay ang bride sa pagmamaneho ng motorsiklo, siya na talaga ang nag-drive para sa kanilang dalawa
- Matatandaang nag-viral din ang bagong kasal na piniling sa isang fast food chain ginanap ang reception
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Maraming bumilib sa bagong kasal na sina Jonel at Jolivie Pellegas na pawang naka-scooter patungo sa reception ng kanilang kasal.
Nalaman ng KAMI na sa halip na rumenta ng nasa Php3,500-5,000 na bridal car, naisipan na lamang mag-motor nina Jonel at Jolivie.
Ang lalo pang kahanga-hanga sa kanilang ginawa, ang bride pa talaga ang nagmaneho ng kanilang motorsiklo.
Marunong naman daw na mag-motor asi Jonel subalit mas sanay daw talaga si Jolivie kaysa sa kanya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dahil dito, maraming netizens ang sumaludo sa kanila sa pagiging praktikal. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Oo nga naman, saglit lang naman ang magagamit ang bridal car... very practical"
"Ang kulit! si Bride pa talaga ang nag-drive, magandang simula 'yan sa marriage niyo ate"
"Ang saya naman ng ganitong simpleng wedding. Oo nga naman, maaring mailaan pa nila sa ibang bagay ang gagastusin niyo sa bridal car.
Narito ang kabuuan ng video na naibahagi rin ng
SFM Koronadal:
Sa Pilipinas, naging agaw-eksena rin sa social media ang bagong kasal na tila naging instant millionaire dahil sa nalikom nila sa kanilang money dance.
Kinagiliwan at hinangaan din ng marami ang isang kasalan na Php 3,000 lang ang nagastos ng bride at groom sa kanilang wedding reception na ginanap sa Mang Inasal.
Gayundin ang isang bride na ayaw ng enggrandeng kasalan kaya naman niregaluhan na lamang siya ng kanyang groom ng 6000 sqm na lote.
Sa panahon ng pandemya, ilan lamang sila sa mga hindi nagpatinag sa virus at itinuloy pa rin ang kanilang pag-iisang dibdib. Siniguro lamang nila ang pagsunod sa safety protocols at tamang bilang ng mga panauhin.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh