Caption ng post ni Herlene Budol na 'The End', usap-usapan online

Caption ng post ni Herlene Budol na 'The End', usap-usapan online

- Agaw-pansin online ang caption ng post ni Herlene Budol na 'The End'

- Ito ay kasama ng kanyang larawan na naka-swimsuit sa Binibining Pilipinas 2022

- Mabilis na nag-viral ang post ni Herlene na inulan naman ng komento sa netizens na nagpapalakas ng kanyang loob

- Matatandaang na-withdraw si Herlene ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino sa Miss Planet International dahil sa mga aberya sa naturang pageant

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agad na naging usap-usapan online ang caption ng post ni Herlene Budol sa kanyang post noong Nobyembre 22.

Caption ng post ni Herlene Budol na 'The End', usap-usapan online
Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na may caption ang kanyang post na 'The End' kasama ang sad emoji at bandera ng Pilipinas.

Kasama ng post ang kanyang larawan na kuha sa laban niya sa Binibining Pilipinas 2022.

Tila naunawaan ng netizens ang nais na ipakahulugan ni Herlene sa kanyang post na marahil ay may kaugnayan sa pagsali niya sa mga beauty pageant sa loob at labas ng bansa.

Read also

Xander Ford, nais na personal mag-sorry kay Kathryn: "Content lang po, bayad ako"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil dito, sinubukan nilang pasayahin si Herlene at palakasin ang loob nito lalo na at tila sariwa pa rin sa kanya ang mga naganap sa Miss Planet International sa Uganda.

Matatandaang nagdesisyon ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino na i-withdraw si Herlene sa MPI dahil sa mga aberyang naganap pageant.

Katunayan, ibinahagi pa mismo ni Wilbert kung saan makikita ang mga kaganapan sa Uganda hanggang sa tuluyan nang hindi natuloy ang pageant. Nakunan din ng video ang paghagulhol noon ni Herlene sa kagustuhang umalis na lamang sa lugar kung saan sila roon naglalagi.

Gayunpaman, marami pa rin daw natutunan si Herlene sa nakanselang pageant at labis niyang ipinagpapasalamat ang suportang natanggap niya sa Pinoy community doon.

Si Herlene Nicole Budol aka "Hipon" ay isang komedyante, aktres at nagsimula bilang TV host sa programang "Wowowin".

Read also

Batang bote ng toyo ang ginawang water bottle, makatatanggap ng maagang pamasko

Nakilala si Hipon nang sumali siya sa "Willie of Fortune". Bagaman at hindi siya nanalo, hinahanap siya ng mga tagasubaybay ng programa kaya naman pinabalik siya ni Willie Revillame para maging isa sa kanyang mga co-host.

Aminado si Herlene na nabago ang kanyang buhay nang maging manager si Wilbert Tolentino.

Malaki ang naitulong nito sa paghahanda ni Herlene sa pagsali sa Binibining Pilipinas 2022.

Matapos na makamit ang first-runner up sa nasabing pageant. Siya ang napiling kinatawan para sa Miss Planet International 2022 sa Uganda subalit sa kasamaang palad, mismong ang naturang pageant ang hindi natuloy sa dami ng umano'y naging problema nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel