Madam Inutz, ipinasilip ang papatapos na niyang tahanan; "Madam niyo lilipat na"

Madam Inutz, ipinasilip ang papatapos na niyang tahanan; "Madam niyo lilipat na"

- Ipinasilip ni Madam Inutz ang bawat sulok ng papatapos na niyang tahanan

- Excited na talaga si Madam Inutz lalo na at kasama pa rin niya ang kanyang pamilya sa paglipat dito

- Mayroon na rin itong sariling kwarto kung saan niya patuloy na gagawin ang pagla-live selling

- At syempre, mayroon ding magandang pwesto na nakalaan para sa kanyang pinakamamahal na ina

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tila excited na si Madam Inutz sa nalalapit niyang paglipat sa sarili niyang tahanan na halos papatapos na.

Madam Inutz, ipinasilip ang papatapos na niyang tahanan; "Madam niyo lilipat na"
Daisy Lopez (Madam Inutz)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI sa maiksing video na ipinakita ni Madam Inutz, makikita kung gaano ka-elegante at gaano kaganda ang sarili niyang tahanan na nakamit sa tulong ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino.

Sa caption ng naturang post, nabanggit ni Madam na grabe ang iniyak niya nang makita ang masasabing produkto ng kanyang pagsisikap sa buhay na dati lamang niyang pinapangarap at ngayo'y naisasakatuparan na niya.

Read also

RR Enriquez, ipinagtanggol si Zeinab Harake; "Sila 'yung mga hypocrite"

Matatandaang sa video ng kanyang Sir Wil kung saan binisita nila ang ginagawang tahanan, hindi na rin talaga napigilan pang maiyak ni Madam sa labas pa lang ng kanyang bahay.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"PASILIP SA BAGO KONG BAHAY‼️ GRABEE IYAK KO DITO, HINDI KO AKALAIN NA MATUTUPAD LAHAT NG PANGARAP KO PARA SA PAMILYA KO. THANKFUL AT GRATEFUL AKO KE GOD AT SYEMPRE KE SIR Wilbert Tolentino IKAW ANG INSTRUMENTO NYA PARA MASAKATUPARAN KO LAHAT NG PINAPANGARAP KO. I WILL BE FOREVER GRATEFUL, KAYA MGA KAINUTZ WALANG PANGARAP NA HINDI NATUTUPAD MAG TIWALA AT SIPAGAN MO LANG.. SUSUNOD IKAW NAMAN ANG PAGPAPALAIN IN JESUS NAME‼️ OHH JIEEVAA MADAM NYO LILIPAT NA"

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay napansin sa kanyang kakaiba at nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling. Sa kabila nito tumatabo ng mahigit 150,000 ang mga viewers niya kaya naman mabilis siyang nakilala online.

Read also

Wilbert Tolentino, idinetalye ang umano'y aberyang naganap sa Miss Planet International

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento ng kanyang pagsisikap.

Nang makalabas noon sa bahay ni Kuya, agad niyang hinarap ang mga proyektong inihanda sa kanya ng manager na si Wilbert Tolentino.

Kabi-kabilang mga guestings at interviews ang kanyang pinaunlakan at patuloy pa rin ang kanyang pagiging online raketera dahil sa mga bagong produkto na kanilang nai-launch kamakailan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel