Andrew Schimmer, masayang ipinakita ang muling pagdalaw ng mga anak sa kanilang Mommy Jho

Andrew Schimmer, masayang ipinakita ang muling pagdalaw ng mga anak sa kanilang Mommy Jho

- Masayang ibinahagi ni Andrew Schimmer ang muling pagdalaw ng kanyang mga anak sa kanilang Mommy Jho

- Naikwento ni Andrew na nasa isang buwan nang hindi nakadalaw ang kanyang mga anak sa kanilang ina

- Kapansin-pansin ang saya ng mga bata habang kinikwentuhan ang kanilang ina

- Labis namang naantig ang puso ng mga netizens na hiling ang paggaling na ni Jho, para makakwentuhan na talaga nito ang mga anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pinakabagong update ni Andrew Schimmer sa kanilang YouTube channel, ibinahagi niya ang muling pagdalaw ng dalawa niyang anak sa kanilang Mommy Jho Rovero.

Andrew Schimmer, masayang ipinakita ang muling pagdalaw ng mga anak sa kanilang Mommy Jho
Andrew Schimmer kasama ang kanyang pamilya (John Andrew Schimmer)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nasa isang buwan nang hindi nakadalaw ang mga anak sa kanilang ina dahil sa maselan nitong kalagayan.

Matatandaang naiuwi na nila si Jho noong Oktubre 10 subalit dahil sa naging komplikasyon nito at pagtaas ng sodium sa katawan, kinailangan itong ibalik muli sa ospital.

Read also

Rendon Labador kay Kean Cipriano na umano'y iniwan ang Callalily: "Napakasama ng ugali mo!

Sinundan ito ng impeksyon na naging dahilan para sumailalim ito sa pagda-dialysis.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang lahat ng ito ay napagtagumpayan naman ni Jho kaya naman muli nang nakadalaw ang kanyang dalawang anak sa kanya.

Kapansin-pansin ang saya ng mga bata nang muling mahawakan ang ina na mahimbing paring natutulog.

Walang humpay din ang kanilang pagkikwento at paglalambing sa ina.

Samantala, labis na umantig ang tagpong ito sa mga netizens na walang ibang hangad kundi ang agarang paggaling ni Jho. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"'Yung lambing ng mga anak ang nagpapalakas kay Jorhomy. Laban lang po!"
"Napakasweet ng mga bata at ang strong. Will pray for your family"
"'Wag mawalan ng pag-asa kids, gagaling din ang mom niyo. Marami kaming nagdarasal for your family"
"Kasing strong ni Andrew ang kids niya. Patuloy kaming susuporta at magdarasal for Jo"

Read also

Whamos at Antonette Gail, pinakita ang 3M halaga ng pinamiling gold na alahas

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa bansa na gumawa ng ingay kamakailan sa social media nang lakas-loob na humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na si Jorhomy Rovero na nagkaroon ng asthma attack na agad namang sinundan ng brain hypoxia.

Umabot na si Jho ng ika-isang taon nito sa kanyang kalagayan noong Nobyembre 1. Umaasa ang marami na patuloy na ang paggaling ni Jho dahil na rin sa kamangha-manghang pag-aalaga sa kanya ng mister at ng kanyang pamilya.

Samantala, pinarangalan si Andrew bilang Asia's Most Inspiring actor and Model of the Year mula sa 6th Asia- Pacific Luminare Award na ginanap noong Nobyembre 23 sa Okada, Manila. Mula sa awarding ceremonies, agad siyang nagtungo sa ospital upang ialay ang gantimpalang ito sa kanyang misis.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel