Rendon Labador kay Kean Cipriano na umano'y iniwan ang Callalily: "Napakasama ng ugali mo!

Rendon Labador kay Kean Cipriano na umano'y iniwan ang Callalily: "Napakasama ng ugali mo!

- Nakapanayam ni Rendon Labador ang bandang 'The Lily' na dating 'Callalily'

- Napag-usapan nila ang paghiwalay na umano ng dati nilang bokalista ng kanilang banda na si Kean Cipriano

- Matatandaang sa panayam ni Ogie Diaz kay Kean, inamin nitong hindi naging maganda ang paghihiwalay nila ng kanyang mga kasama sa Callalily

- Samantala, nang malaman ni Rendon ang panig naman ng mga naiwang kabanda ni Kean, gigil itong nagbigay ng mensahe sa dating bokalista ng banda

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Bisita ng motivational speaker na si Rendon Labador sa kanyang YouTube channel ang bandang 'The Lily' na mas naunang nakilala bilang 'Callalily.'

Rendon Labador kay Kean Cipriano na umano'y iniwan ang Callalily: "Napakasama ng ugali mo!
Rendon Labador (@rendonlabadorfitness)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na napag-usapan nila ang paglisan ni Kean Cipriano sa grupo. Matatandaang si Kean ang bokalista ng Callalily na nagpasikat ng mga kantang 'Magbalik', 'Susundan' at iba pa.

Read also

Andrew Schimmer, inalay ang Most Inspiring Actor award niya sa misis na si Jho

Naikwento ng mga dating kabanda ni Kean ang umano'y ilan sa mga desisyon nito na tila hindi na nila noon nagustuhan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Tulad na lamang ng ginawang kanta ni Lem Belaro na drummer ng kanilang banda kung saan ipinalagay daw ng dati nilang bokalista na silang lahat ang gumawa gayung siya lamang ang bumuo nito mula sa lyrics at music ng naturang awit.

Inalmahan ito ni Rendon lalo na nang malaman niyang kaya nagpalit ng 'The Lily' ang pangalan ng grupo dahil nakalisensya umano ang pangalang 'Callalily' kay Kean.

"Ang problema, iniwan mo 'yung mga kasama mong umakyat na walang-wala... Kasi 'di mo na pinagamit 'yung Callalily na name sa kanila,” gigil na nasabi ni Rendon.

"Napaka-selfish mong tao! Ok lang na humiwalay ka eh...Pero 'yung nag-iisang binuild niyo, sana manlang 'di mo ipinagkait sa kanila," dagdag pa niya.

Read also

Jaclyn Jose, nagbabala kaugnay sa gumagamit ng pangalan niya para makapanloko

Ayon pa sa naiwang miyembro ng The Lily, pati umano ang mga contacts ng bandang 'Callalily' ay kinuha rin ni Kean bagay na lalong ikinagigil ni Rendon sa kanya.

"Napakasama ng ugali mo! Kung nandito ka lang, sasampalin kita!" naibulalas ni Rendon.

Narito ang kabuuan ng naturang panayam:

Si Rendon Labador ay isang influencer, vlogger, fitness instructor at motivational speaker. Kamakailan, gumawa ng ingay online ang pangalan ni Rendon nang hamunin siya ng one on one sa basketball ni Marc Pingris. Ito ay may kaugnayan sa komento ng social media influencer sa naging pahayag ng Gilas head coach na si Chot Reyes.

Samantala, nagpaunlak naman ng panayam si Kean Cipriano sa Youtube channel ni Ogie Diaz. Inamin nitong hindi nga naging maganda ang paghihiwalay nila ng mga dati niyang kabanda sa Callalily. Sa ngayon, tutok si Kean sa sarili niyang musika gayundin sa pag-manage ng mga talented young artist tulad nina Unique Salonga at Adie.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel