Whamos at Antonette Gail, pinakita ang 3M halaga ng pinamiling gold na alahas

Whamos at Antonette Gail, pinakita ang 3M halaga ng pinamiling gold na alahas

- Binahagi nina Whamos at Antonette Gail ang kanilang nabiling gintong mga alahas na nagkakahalaga ng 3 milyon

- Ayon sa kanila, pinag-ipunan nila iyon dahil naniniwala silang magandang investment ang pagbili ng ginto

- Balak din umano nilang magbenta ng ginto at kaya nila pinakita sa kanilang viewers ang pagbili nila nito ay para maibahagi sa mga ito na magandang investment ito

- Dalawang milyon lamang umano ang dala nilang pera at dadagdagan na lamang nila ang kulang nilang isang milyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Namili ng alahas sina Whamos at Antonette Gail na umabot sa 3 milyong piso. Ayon sa kanila, magandang investment ito dahil habang tumatagal ay tumataas ang presyo ng ginto.

Whamos at Antonette Gail, pinakita ang 3M halaga ng pinamiling gold na alahas
Whamos at Antonette Gail, pinakita ang 3M halaga ng pinamiling gold na alahas (Whamoscruz)
Source: Facebook

Ayon pa kay Whamos, pinag-ipunan talaga nila ang pambili ng mga alahas na kanilang na-order. Balak din umano nilang magbenta ng ginto.

Read also

Jaclyn Jose, nagbabala kaugnay sa gumagamit ng pangalan niya para makapanloko

Hindi naman maitago ni Whamos ang pagkakabigla tuwing nababanggit ang presyo ng mga napili nilang alahas. Dalawang milyon lamang umano ang dala nilang pera at dadagdagan na lamang nila ang kulang nilang isang milyon.

Narito ang komento ng mga viewers nila:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kaya bilib ako sa couple na to... hindi sila kinain ng yabang kaya umangat... maganda pa ang mindset ❤️ God Bless Always to both.
Natatawa ako sa mga reactions nyong mag asawa... Para sumasabay din ako sa gulat hahaha. Kinukuwenta ko din kaperahan ko hahaha kahit wala naman sana all meron.
Yes good investment talaga ang gold. Bili kayo ng jewelry yung per gram ang price kasi pag mostly mga malls per piece cla mas mahal.

Si Whamos Cruz ay isang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Read also

Bride na nagkasakit, itinuloy pa rin ang pagpapakasal kahit nakasuwero

Kamakailan ay binahagi ni Antonette ang kanilang mga plano at pangarap para sa kanilang binubuong pamilya ni Whamos. Naniniwala umano siyang mag-iiba ang priority nila ni Whamos kapag lumabas na ang kanilang baby. Aniya, gagawin nila ang kanilang makakaya para maging hands-on parents habang patuloy na nagsusumikap para sa pamilya nila. Inaasahan niya din umano na mas magsisipag si Whamos dahil may anak na sila at maglalaan ito ng oras para sa kanila.

Sa vlog ni Ryan Bang, nakausap at nakapanayam niya sina Whamos at Antonette. Inimbitahan niya ang dalawa sa isa sa kanyang Ducup stores at masayang nakipagkwentuhan sa kanila. Kabilang sa naitanong ni Ryan kay Antoinette ay kung bakit nito minahal si Whamos. Naglabas ng kanyang komento si Ryan kaugnay sa naging sagot ni Antoinette.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel