Alex Gonzaga at Mikee Morada, inaming nagkasamaan ng loob noong nakunan si Alex

Alex Gonzaga at Mikee Morada, inaming nagkasamaan ng loob noong nakunan si Alex

- Naibahagi nina Alex Gonzaga at Mikee Morada ang tungkol sa tampuhan nila noong panahong nakunan si Alex

- Kwento ni Alex, alam niyang sumama ang loob ng mister niya dahil sa tingin nito ay okay lang kay Alex na hindi natuloy ang pagbubuntis niya

- Paliwanag ni Alex, coping mechanism ni Alex na pinapakita niyang ayos lang sa kanya ang nangyari

- Sumama din umano ang loob ni Alex kay Mikee dahil natulog na lang umano ito nang nakauwi sila sa bahay mula sa ospital

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inamin nina Alex Gonzaga at Mikee Morada na nagkatampuhan sila noong panahong hindi natuloy ang pagbubuntis ni Alex. Naibahagi din nilang mag-asawa na noong una ay hindi pa gusto ni Alex na mabuntis siya.

Alex Gonzaga at Mikee Morada, inaming nagkasamaan ng loob noong nakunan si Alex
Alex Gonzaga at Mikee Morada, inaming nagkasamaan ng loob noong nakunan si Alex (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Sa podcast ni Alex ay nakasama niya si Mikee. Aminado si Alex na nagtampo siya kay Mikee dahil natulog na lang umano si Mikee nang nanggaling sila sa ospital. Paliwanag naman ni Alex, coping mechanism niya na parang tanggapin na lamang na hindi na tuloy ang pagbubuntis niya.

Read also

Nadine Lustre, bukas sa posibilidad na makatrabaho si James Reid

Paliwanag naman ni Mikee, hindi siya nawalan ng pag-asa kaya ganoon na lamang ang pagkadismaya niya na hindi natuloy ang pagbubuntis ng kanyang asawa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 12.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na umano ay nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Kamakailan ay pinakita ni Alex ang naging date nila ng kanyang asawang si Mikee Morada matapos siya nitong sunduin mula sa trabaho. Dinala siya ni Mikee sa isang paresan kung saan makikitang na-enjoy ng mag-asawa ang kanilang pagkain. Nakipagkulitan din si Alex hindi lamang sa mga staff ng kainan kundi maging sa mga customer na kumakain kasabay nila. Matapos silang ilibre ng may-ari ng kainan, nagpasya silang ilibre na lang ang mga kasabayang customer.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel