Luis Manzano, kinakabahan umano na siya ang maging kamukha ng anak

Luis Manzano, kinakabahan umano na siya ang maging kamukha ng anak

- Kinaaliwan si Luis Manzano sa Instagram post nito kung saan binahagi niya ang picture niya na naka-make up

- May suot din itong wig na may laso at nakagayak ito bilang isang batang babae

- Sa caption ng kanyang post ay pabiro siyang nag-sorry kay Jessy Mendiola kung sakaling siya ang maging kamukha ng anak

- Marami sa mga kasamahan niya sa showbiz ang natawa sa binahaging ito ni Luis kabilang na ang malapit na kaibigan niyang si Alex Gonzaga

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Luis Manzano, kinakabahan daw siya na baka siya ang kamukha ng anak niyang si Peanut. Binahagi niya ang picture niya na naka makeup at nakagayak bilang isang batang babae.

Luis Manzano, kinakabahan umano na siya ang maging kamukha ng anak
Luis Manzano, kinakabahan umano na siya ang maging kamukha ng anak (@jessymendiola)
Source: Instagram

Pabiro din itong nagsorry sa kanyang misis na si Jessy Mendiola.

Kinakabahan ako na baka ganito itsura ni Peanut, ngayon palang, sorry @jessymendiola wowow if ever

Read also

Andrew Schimmer, inalay ang Most Inspiring Actor award niya sa misis na si Jho

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami sa mga kasamahan niya sa showbiz ang natawa sa binahaging ito ni Luis kabilang na ang malapit na kaibigan niyang si Alex Gonzaga. Ani Alex, sana sumipa ang dugo ni Jessy.

Oo nga! Haha Sana sumipa dugo ni jessy!

Si Jessy Mendiola ay nakilala sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Hindi maipagkaila ni Vilma Santos na sobra siyang excited sa kanyang unang apo na tinatawag nilang si "Peanut. Sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya ang regalong kanyang binili para sa apo kahit hindi pa ginaganap ang baby shower. Bukod sa baby bottles, nagbigay din ang Star for All Seasons ng sterilizer na ayon kay Jessy ay sobrang kailangan nila. Nagbigay din siya ng payo para sa mag-asawa hindi lang bilang magulang kundi bilang magkatuwang sa pagpapalaki sa anak nila.

Read also

Jak Roberto, pinakita kay Barbie Forteza ang disenyo ng ipapagawa niyang bahay

Kamakailan ay binahagi ni Jessy sa kanyang YouTube channel ang kanilang pagpapa-check up kasama ang asawa niyang si Luis. Bahagi ng kanyang video ay makikita ang 4D ultrasound kung saan makikita ang facial feature ng anak nila ni Luis. Maging ang sumusuri kay Jessy ay napansing matangos ang ilong ni Baby Peanut. Tuwang-tuwa naman si Luis at nagpasalamat pa dahil aniya, si Jessy ang kamukha ng kanilang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel