Ogie Diaz, handang tulungan si Maegan Aguilar ngunit hindi bilang talent niya

Ogie Diaz, handang tulungan si Maegan Aguilar ngunit hindi bilang talent niya

- Tumanggi si Ogie Diaz na tanggapin bilang talent si Maegan Aguilar sa kadahilanang hindi umano niya maasikaso ito

- Aniya, nahihiya siya na hindi niya makuha si Maegan ngunit aniya hindi naman maganda na tatanggap siya ng talent at hindi niya matutukan

- Naibahagi niyang naging abala kasi siya sa kanyang mga YouTube channel

- Gayunpaman, handa umano siyang kapanayamin si Maegan upang maibahagi nito ang kwento niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Magalang na tumanggi si Ogie Diaz na kunin niya bilang talent si Maegan Aguilar. Humingi kasi ng tulong si Maegan na makabalik sa showbiz.

Ogie Diaz, handang tulungan si Maegan Aguilar ngunit hindi bilang talent niya
Ogie Diaz, handang tulungan si Maegan Aguilar ngunit hindi bilang talent niya (@facebook.com/ogie.diaz.5)
Source: Facebook

Aniya, nahihiya siya na hindi niya makuha si Maegan ngunit aniya hindi naman maganda na tatanggap siya ng talent at hindi niya matutukan. Naibahagi niyang naging abala kasi siya sa kanyang mga YouTube channel. Gayunpaman, handa umano siyang kapanayamin si Maegan upang maibahagi nito ang kwento niya.

Read also

Maegan Aguilar sa amang si Ka Freddie: "Kailangan ko kayo ngayon"

Isa lang ito sa inihingi na tulong ni Maegan sa programang Raffy Tulfo in Action. Bukod sa mabigyan siya ng pagkakataon na makabalik sa mundo ng showbiz, nais niya rin maalis ang hindi magandang tingin sa kanya ng mga tao. Humingi din siya ng tulong pagdating sa kanyang pagpapagamot.

Sa paglapit niya sa programa ni Sen. Raffy Tulfo, nais umano sana ni Maegan na magpatulong sa kanyang pagpapagamot. Nais niya ring mawala na ang hindi kaaya-ayang panghuhusga sa kanya ng mga tao kaugnay sa umano'y isyu tungkol sa paggamit ng pinagbabawal na gamot.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake"

Muling nabuhay ang umano'y isyu ng AlDub matapos na magsalita si Maine ukol dito sa panayam sa kanya ni Ogie. Aniya mainam na magsalita na rin si Alden upang mas mapagtibay ang pahayag ni Maine na naging on-screen partners lang sila. Sinang-ayunan din ni Ogie ang mungkahi ng netizen na sana'y maglabas din ng pahayag ang Eat Bulaga kaugnay sa isyu. Matapos kasi ang panayam kay Maine ni Ogie, agad na lumabas ang video ng 'di umano'y pagtitipon ng 'AlDub Nation.'

Sa panayam ni Ogie kay Maine, naibahagi ni Maine ang tungkol sa pakikipag-ugnayan niya sa mga AlDub fans. Noon umano ay talagang personal siyang nagpapadala ng message para pabulaanan ang mga haka-haka sa kanila ni Alden. Aniya, ayaw niyang para siyang may nilolokong tao para lang sa pera at kasikatan dahil hindi siya ganoong klase ng tao.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel