Kim Chiu, naantig sa suporta ni Xian Lim at ng pamilya nito sa negosyo niya

Kim Chiu, naantig sa suporta ni Xian Lim at ng pamilya nito sa negosyo niya

- Nagpasalamat si Kim Chiu sa kanyang boyfriend na si Xian Lim matapos nitong magpost sa Instagram ng pictures niya kasama ang kanyang lola at mommy

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Naibahagi ni Xian ang bag na gamit nilang tatlo na mula sa negosyo ni Kim na House of Little Bunnies

- Sa sobrang tuwa ni Kim sa suporta ni Xian at ng pamilya sa kanyang negosyo, sinabi niyang naiiyak siya

- Marami naman ang lalong humanga sa magkasintahan na palaging nakasuporta sa isa't-isa

Todo-suporta kay Kim Chiu ang boyfriend na si Xian Lim pati na ang mommy nito at lola niya. Sa mga pictures na binahagi ni Xian ay ibinida niya ang bags na gamit nilang tatlo na mula sa negosyo ni Kim na House of Little Bunnies.

Kim Chiu, naantig sa suporta ni Xian Lim at ng pamilya nito sa negosyo nya
Kim Chiu, naantig sa suporta ni Xian Lim at ng pamilya nito sa negosyo nya (@chinitaprincess)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa comment naman ni Kim bilang tugon sa pinakitang suporta ni Xian at ng kanyang pamilya, pinaslamatan niya ito at aniya ay naiiyak siya. Marami naman ang lalong humanga sa magkasintahan na palaging nakasuporta sa isa't-isa .

Bago pa lamang ang negosyo ni Kim ngunit kadalasan ay sold out ang kanyang bags.

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Sa muling pagbabalik ni Anne Curtis sa It's Showtime, nagbigay ng mensahe ang kanyang mga kasamahan. Kabilang si Kim sa nagpahayag ng kanyang kasiyahan sa muling pagbabalik ng kanyang ate Anne. Aniya, masaya siya na sa wakas ay personal niya nang masasabi ang kanyang mga tsika na sa social media niya lang nasasabi. Masaya din si Anne lalo at may paghuhugatan siya ng energy sa katauhan ni Kim na talaga namang palaging punong-puno ng energy.

Sinabi ni Kim sa kanyang vlog na kahit may hindi magandang karanasan niya sa kanyang van ay hindi niya ito binenta. Aniya, kahit hindi maganda ang kanyang naging karanasan sa naturang van, maituturing niyang sinalba pa rin nito ang buhay niya. Matatandaang taong 2020 nang lumabas ang balita tungkol sa pamamaril sa kanyang van. Ang pangyayaring iyon ay dahil umano sa mistaken identity at nalaman iyon nang humingi ng dispensa ang target sa pamamagitan ng pakikipag-usap umano nito sa isa sa mga boss ni Kim.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel