Aljur Abrenica, sinabing commitment ang naiisip niyang Christmas gift kay Kylie Padilla

Aljur Abrenica, sinabing commitment ang naiisip niyang Christmas gift kay Kylie Padilla

- Ayon kay Aljur Abrenica, naiisip niyang Christmas gift para kay Kylie Padilla ay commitment

- Ito ang kanyang naging sagot sa tanong sa kanya nang makapanayam siya ni Morly Alinio

- Dagdag pa ni Aljur, ang kanyang atensiyon at oras ay ilalaan niya sa mga ito lalo na kung kailangan nila siya

- Nang matanong naman sa kanyang naiisip na regalo para kay AJ Raval, hiling lang umano ni Aljur na maging masaya siya at matupad ang mga gusto niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinabi ni Aljur Abrenica na commitment umano ang maibibigay niya kay Kylie Padilla. Ito ang kanyang naging sagot sa tanong sa kanya nang makapanayam siya ni Morly Alinio.

Aljur Abrenica, sinabing commitment ang naiisip niyang Christmas gift kay Kylie Padilla
Aljur Abrenica, sinabing commitment ang naiisip niyang Christmas gift kay Kylie Padilla (@ajabrenica)
Source: Instagram

Ani Aljur, ang kanyang atensiyon at oras ay ilalaan niya sa mga ito lalo na kung kailangan nila siya.

Commitment na I'll always ne there for her and our kids. My attention, time, lagi akong nandiyan para sa kanila whenever they need me and love.

Read also

Kim Chiu, naantig sa suporta ni Xian Lim at ng pamilya nito sa negosyo niya

Naitanong din sa kanya kung ano ang maibigay niya kay AJ Raval ngayong pasko. Ani Aljur, gusto niya lang maging masaya si AJ at matupad ang gusto nito sa buhay.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang gusto naman umanong matanggap ni Aljur ngayong pasko ay makasama niya ang kanyang ina, ama, kanyang mga kapatid at buo ang kanyang pamilya.

Si Aljur Abrenica ay isang Pinoy na aktor na unang nakilala matapos siyang sumali sa fourth season ng reality talent search ng GMA-7 na StarStruck. Naipareha siya sa kanyang kasabayan sa Starstruck na si Kris Bernal. Ikinasal siya kay Kylie Padilla at nabiyayaan sila ng dalawang anak na lalaki, sina Alas Joaquin at Axl.

Sa pagdiriwang ng kaarawan ng panganay na anak nina Kylie at Aljur na si Alas Joaquin, isang nakakaantig na birthday message ang binahagi ni Aljur sa kanyang social media page. Aniya, marami siyang natutunan kaugnay sa pagiging ama dahil sa kanyang panganay na anak. Kalakip nito ay nagpost din si Aljur ng picture nilang mag-ama pati mga video clips na nagpapakita ng kanilang masasayang bonding moments.

Read also

Cristy, nakausap si Alden ukol sa 'kasal at anak' isyu ng Aldub; "wala pong katotohanan"

Kamakailan ay nag-upload din si Aljur ng pictures nilang mag-aama na kuha sa kanilang beach vacation kasama ang dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo. Makikita sa mga litrato ang saya sa mukha ng mga anak nila habang naglalaro kasama ang ama. Kalakip ng kanyang mga pictures na binahagi ay ang caption na “Seas the day with these two."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel