Ethel Booba, nagbahagi ng house tour ng bagong bahay ni Donita Nose

Ethel Booba, nagbahagi ng house tour ng bagong bahay ni Donita Nose

- Binahagi ni Ethel Booba ang video ng kanilang pagpunta sa ginanap na housewarming party sa bahay ng kaibigan nilang si Donita Nose

- Pinakita niya sa kanyang vlog ang iba't-ibang bahagi ng bagong bahay ni Donita na kamakailan ay naipakita na rin niya sa YouTube

- Ani Ethel, hangad niyang marami ang ma-inspire na mangarap para maabot ang kanilang pangarap

- Kasama din ni Ethel na nagpunta ang anak niyang si Mikaela at ang kanyang partner na si Chef Jess

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Ethel booba ang bagong bahay ng kaibigan niyang si Donita Nose. Dumalo sila sa house warming party ni Donita kasama ang ilan pa nilang mga kaibigan.

Ethel Booba, nagbahagi ng house tour ng bagong bahay ni Donita nose
Ethel Booba, nagbahagi ng house tour ng bagong bahay ni Donita nose (@donitanose)
Source: Instagram

Kasama din ni Rufa ang kanyang mag-ama na palagi niyang nakakasama tuwing pupunta siya sa mga kaibigan niya kagaya nina Donita at iba pang mga Youtuber na dating kasamahan nila sa comedy bars.

Read also

Solenn Heussaff, binahaging nakalipat na sila sa kanilang bagong bahay

Ani Ethel, hangad niyang marami ang ma-inspire na mangarap para maabot ang kanilang pangarap. Dagdag pa niya, hindi din pwede na puro pangarap lanmg at kailangang sabayan ng gawa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Donita Nose ay nakilala sa kanyang pagiging bahagi ng TV Show ni Willie Revillame. Kinalaunan ay sumikat ang tambalan nila ni Super Tekla at nakilala sa bansag na DonEkla. Binansagan siyang Pambansang Beshy matapos ang pinakita niyang suporta kay Super Tekla nang minsang madawit ito sa matinding kontrobersiya kaugnay sa reklamo ng dati nitong kinakasama.

Matatandaang tuluyang nakapaglipat ng bahay si Donita Nose matapos ang pagsasapubliko nila ni Super Tekla na maghihiwalay na sila sa paggawa ng vlog at maging ng bahay. Naikwento ni Donita na tapos na ang kontrata ng naunang bahay na tinitirhan nilang magkasama. Noong una umano ay parehas nilang napagpasyahan na maghanap ng bahay kung saan magsasama pa rin uli sila. Gayunpaman, hindi na umano pumirma si Super Tekla pagdating ng kontrata para sana sa bahay na kanilang lilipatan.

Aminado ang isa pang ka-tandem ni Super Tekla na si Boobay na naawa umano siya kay Tekla. Sa katunayan ay pinayuhan umano niya ito na ipagtanggol naman ang sarili niya kay Donita Nose. Dagdag pa ni Boobay, sana ay huwag lang puro katamaran ang pansinin kay Tekla at sana ay bigyan din ng importansiya ang ambag nito sa kanilang samahan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel