Ivana Alawi, na-prank muna ang buong pamilya bago bigyan isa-isa ng iPhone 14

Ivana Alawi, na-prank muna ang buong pamilya bago bigyan isa-isa ng iPhone 14

- Na-prank muna ni Ivana Alawi ang kanyang buong pamilya bago bigyan isa-isa ang mga ito ng iPhone 14

- Nagkunwaring endorser ng bagong phone case si Ivana at ipa-prank ang mga kapatid at ina na sisirain ang kanilang cellphone

- Bago pa man tuluyang magalit ang mga ito, iniaabot na agad ni Ivana ang pinakabagong modelo ngayon ng iPhone ang iPhone 14

- Si Mama Alawi ang pinakahuli nitong na-prank at talagang sumama ang loob sa pag-aakalang pinakuluan ni Ivana ang kanyang cellphone

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Na-prank muna ni Ivana Alawi ang bawat miyembro ng kanyang pamilya bago niya bigyan isa-isa ang mga ito ng pinakabagong iPhone 14.

Ivana Alawi, na-prank muna ang buong pamilya bago bigyan isa-isa ng iPhone 14
Ivana Alawi (Ivana Alawi YouTube channel)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na nagpanggap muna si Ivana na mayroong bagong phone case endorsement at susubukin nito ang tatag ng cellphone ng kanyang mga kapatid at ina.

Read also

Vice Ganda, binigyan ng singsing si Ion Perez sa kanilang 4th anniversary

Una niyang na-prank sina Hash at Mona na inakalang nabasa sa pool at nabasag ang kanilang cellphone.

Hindi nila alam, props lamang ang phone na ginamit ni Ivana para rito. Bago pa man tuluyang sumama ang loob ni Mona, iniabot na ni Ivana ang bagong iPhone 14 sa bunsong kapatid gayundin kay Hashim.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang ate Amira naman, nag-spicy noodle challenge muna sila at ang matalo, may consequence. Dahil natalo ni Ivana ang kanyang ate, kunwaring itinapon nito ang cellphone ng kapatid na isa lamang talagang props.

Muli, bago pa man tuluyang maiyak ang kanyang ate, binigay na rin niya ang surpresang iPhone 14 para rito.

At ang pinakahuling na-prank ni Ivana ay ang kanyang Mama Alawi. Inakala nitong pinakuluan ni Ivana ng kanyang cellphone bagay na labis niyang ikinainis. Agad naman siyang sinundan ni Ivana para iabot ang bago nitong iPhone 14 para sa kanyang Mama Alawi.

Read also

Bride, napahagulhol nang malamang LET passer na rin sa mismong araw ng kanyang kasal

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 16.1 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel