Zeinab Harake, naka-focus na lang umano sa kanyang mga anak

Zeinab Harake, naka-focus na lang umano sa kanyang mga anak

- Ani Zeinab Harake, nakikita niya ang kanyang sarili bilang isang supportive mom sa kanyang mga anak 20 years from now

- Nakikita umano niya ang sarili niya kasama ang mga anak niyang gumigimik at aniya ay single pa rin siya

- Dahil dito ay natanong siya ni Jelai kung iyon ba ang gusto niya at aniya ay hindi niya masasabi kung makakakilala pa siya ng lalaking hindi siya lolokohin

- Aniya, sa mga anak na lang niya ang kanyang focus kesa magmahal pa siyang muli ng maling tao

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ani Zeinab Harake, nakikita niya ang sarili niya bilang isang supportive na single mom 20 years mula sa kasalukuyan. Aniya, hindi niya masasabi sa loob ng 20 taon kung makakakilala pa siya ng lalaking hindi siya lolokohin.

Zeinab Harake, naka-focus na lang umano sa kanyang mga anak
Zeinab Harake, naka-focus na lang umano sa kanyang mga anak (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Sa panibagong vlog ni Jelai Andres ay nakasama niya ang mga kaibigang sina Zeinab at Donnalyn Bartolome.

Para naman kay Jelai ay nakikita niya ang sarili niyang meron nang sarili niyang pamilya. Para naman kay Donnalyn, nakikita niya umano ang sarili niyang may mga anak na rin.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Matatandaang matapos lumabas ang video ni Wilbert Tolentino ay dumipensa si Zeinab sa mga nilabas na screenshot ni Wilbert laban sa kanya. Ani Zeinab, cropped ang mga nilabas na conversation ni Wilbert kaya hindi umano nailabas ang kabuuan ng kanyang sinabi. Inisa-isa niyang nilinaw ang mga nilabas na screenshot ni Wilbert na umano ay mga nasabi niya laban sa mga sikat na vloggers. Hiling naman ni Zeinab na tigilan na lang ang gulo at huwag na siyang ididikit sa grupo nina Wilbert para matapos na ang gulo.

Nilinaw naman ni Zeinab na bago siya nag-live sa Facebook ay tinawagan niya ang mga taong nadawit sa video na nilabas ni Wilbert. Kinausap at nilinaw niya umano sa mga taong nasangkot ang tungkol sa mga lumabas na screenshot na ayon sa kanya ay kulang na dahil cropped umano ang mga ito. Kabilang sina Ivana Alawi at Alex Gonzaga sa kanyang mga tinawagan kaugnay dito at nagkaintindihan umano sila. Maging sa kanyang video ay humingi si Zeinab ng dispensa sa mga taong nadamay pa umano.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel