Jelai Andres, inihalintulad ang sarili sa "sabaw" kung magiging pagkain daw siya

Jelai Andres, inihalintulad ang sarili sa "sabaw" kung magiging pagkain daw siya

- Ani Jelai Andres, kung magiging pagkain siya ay sa sabaw niya maihahalintulad ang kanyang sarili

- Ito ay kanyang naibahagi sa bagong video niya na naibahagi sa kanyang YouTube channel kung saan nakasama niya sina Donnalyn Bartolome at Zeinab Harake

- Natawa na lang din silang tatlo sa sagot na ito ni Jelai lalo at kamakailan lang ay naging isyu ang sinabi ni Zeinab na si Jelai ang pinaka-sabaw sa kanilang tatlo

- Marami naman sa kanilang mga tagahanga ang natuwa na sa kabila ng mga nangyari ay buo pa rin at matatag ang kanilang pagkakaibigan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagtawanan na lang sina Jelai Andres, Donnalyn Bartolome at Zeinab Harake sa sagot ni Jelai sa tanong na sa anong pagkain niya maihahalintulad ang sarili. Ani Jelai, siya ay mainit na sabaw kasi hot daw siya.

Jelai Andres, inihalintulad ang sarili sa "sabaw" kung magiging pagkain siya
Jelai Andres, inihalintulad ang sarili sa "sabaw" kung magiging pagkain siya (@jelaiandresofficial)
Source: Instagram

Biro naman ni Zeinab, hot siya pero sabaw nga lang. Matatandaang kamakailan lang ay naging isyu ang sinabi ni Zeinab na si Jelai ang pinaka-sabaw sa kanilang tatlo.

Marami naman sa kanilang mga tagahanga ang natuwa na sa kabila ng mga nangyari ay buo pa rin at matatag ang kanilang pagkakaibigan:

Wala ako ginawa kundi tumawa ng tumawa sa inyong tatlo, thank you sa pagmamahalan at frienship nyong tatlo, kasi madami kayo napapasaya na tao

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

This vlog really shows na okay na silang tatlo, happy to see you three smiling and enjoying, stay unbothered you guys!
I'm so happy kasi kahit nagka issue kayo mas pinili nyo na I keep yung friendship nyo so proud of you jelai and zeinab

Si Jelai Andres ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion. Unang sumikat sa social media sina Jelai at Jon dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook.

Sa kainitan ng pagputok ng balita tungkol sa muling paghihiwalay nila ni Jon, hindi napigilang ilabas nina Jelai at kapatid nito ang kanilang sama ng loob kay Jon. Matapos ang pag-trending ng tungkol sa isyu nila, naapektuhan ng husto si Jelai. Sa katunayan, ibinahagi ng kaibigan niya na pumayat na nga ito dahil hindi masyadong nakakakain.

Isa sa naging highlight ng isang vlog episode ni Jelai ay ang No Reaction Challenge nila ni Buboy Villar. Magpapagalingan sila sa pagpigil sa kanilang sarili na sumigaw o magpakita ng reaksiyon sa kanilang pagsakay sa mga extreme rides sa isang amusement park. Habang sumasakay sila sa isang drop tower ride, hinimatay si Jelai at nakuhanan ito ng video ni Buboy. Agad naman siyang nahimasmasan nang matapos ang oras nila sa naturang ride.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel