Tali Sotto, labis na natuwa sa birthday surprise ng kanyang Eat Bulaga family

Tali Sotto, labis na natuwa sa birthday surprise ng kanyang Eat Bulaga family

- Labis na natuwa si Tali Sotto sa birthday surprise sa kanya ng Eat Bulaga

- Kasama ang kanyang Mommy Pauleen at kanyang Daddy Vic, dumating si Tali na tila 'di makapaniwala sa surpresa sa kanya ng kanyang EB family

- Talagang tuwang-tuwa si Tali sa bawat detalye ng supresa sa kanya lalo na ang kanyang birthday cake na mayroong Ballerina

- Si Tali ay anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna na madalas ding mapanood sa Eat Bulaga kasama ng kanyang mga magulang

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinurpresa ng mga Dabarkads si Tali Sotto sa kanyang 5th birthday kamakailan.

Tali Sotto, labis na natuwa sa birthday surprise ng kanyang Eat Bulaga family
Tali Sotto (@love.talitha)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na walang kaalam-alam si Tali na mayroong munting handog sa kanya ang kanyang Eat Bulaga family.

Kasama ang kanyang Daddy Vic at mommy Pauleen, mababakas na talagang nasurpresa si Tali sa dekorasyon pagpasok pa lamang nila sa studio.

Lalo na nang mag-blow na siya ng limang candles kasama ang kanyang mga magulang.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isa-isa rin siyang binati ng mga Dabarkads na labis ding natutuwa sa presensya ni Tali.

Narito ang mga kaganapan sa munting selebrasyon ni Tali sa Eat Bulaga:

Si Talitha Maria Luna Sotto o mas kilala bilang si 'Tali' ay ang anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna. Isinilang si Tali noong Nobyembre 6 taong 2017 at mula noon, talagang labis na kaligayahan ang hatid niya sa kanyang mga magulang at pamilya at maging sa mga netizens na nakakapanood sa kanyang mga videos.

Noong kasagsagan ng pandemya kung saan nasa bahay lamang din si Vic na nagho-host pa rin ng Eat Bulaga, madalas na sumama si Tali sa kanyang Daddy. Doon, madalas na siyang makitang nakikipagkulitan sa mga dabarkads.

Samantala ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest running noontime show sa bansa. 1979 pa nang una itong maisa-ere sa RPN 9 kung saan orihinal na host nito ang TVJ o ang "Tito, Vic and Joey." Sa ngayon patuloy pa rin ang pamamayagpag nila sa ere tuwing tanghali kasama ng ilang mga bago nilang Dabarkads na sina Maja Salvador at Miles Ocampo.

Mula taong 1995, GMA na ang naging tahanan ng Eat Bulaga hanggang sa kasalukuyan. Isa sa pinakaaabangang portion ng noontime show ay ang 'Bawal Judgmental' kung saan iba't ibang kwento ng kanilang mga panauhin ang naibabahagi at nagiging inspirasyon sa marami.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel