Ian Veneracion, naniniwalang hindi dapat i-ban ang K-Dramas sa bansa

Ian Veneracion, naniniwalang hindi dapat i-ban ang K-Dramas sa bansa

- Para kay Ian Veneracion, hindi tamang ipagbawal ang pagpapalabas ng Korean drama sa Pilipinas

- Aniya, kailangan lang mas paunlarin at ayusin ang kalidad ng ating mga palabas

- Para sa kanya, ang kompetisyon ay mahalaga dahil ito ay maaring maging rason para pag-igihan pa ang performance

- Inihalintulad niya ito sa basketball na kapag hindi kayang talunin ay hindi dapat i-disqualify kundi dapat ay mas galingan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Para kay Ian Veneracion, mahalaga ang pagkakaroon ng kumpetisyon dahil dito ay dapat mas galingan pa. Sa panayam ng Pikapika Showbiz, sinabi niyang hindi tamang ipagbawal ang pagpapalabas ng Korean drama sa Pilipinas.

Ian Veneracion, naniniwalang hindi dapat i-ban ang K-Dramas sa bansa
Ian Veneracion, naniniwalang hindi dapat i-ban ang K-Dramas sa bansa (@ianveneracion1)
Source: Instagram

Inihalintulad niya ito sa larong basketball. Aniya, kapag magaling ang kalaban, kailangan lang galingan. Hindi umano tamang i-disqualify ang kalaban dahil lang hindi sila kayang talunin.

Ito ang kanyang naging pahayag sa panayam na inilabas ng Pikapika Showbiz sa YouTube channel nila.

Read also

Sharon Cuneta, binahagi isang virtual tour sa kanilang farmhouse

Matatandaang naging mainit na usapin ang tungkol dito na kinontra ng maraming filmakers at artista sa bansa. Sa sobrang hilig ng Pinoy sa Kdrama, maging ang ilang artista ay aminadong nawiwili sa panonood. Maging sa ibang bahagi ng mundo ay marami ang nanonood ng KDrama dahil sa magandang kalidad ng karamihan sa mga ito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Ian Veneracion ay isang kapamilya star na kahit may edad na ay patuloy na tinitilian ng mga kababaihan. Sa kanyang edad, marami pa rin ang kanyang ginawang mga teleserye at pelikula bilang leading man. Ilan sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay A Love to Last, Pangako Sa' Yo at Darating ang Umaga.

Sa isang vlog ni Bea Alonzo ay nakausap niya si Ian at naibahagi nito na wala siyang pagsisisi na maaga siyang nag-asawa. Ikinasal siya sa edad na 22, apat na taon matapos niyang makilala ang maybahay na si Pam Gallardo. Dito sa panayam ay napaamin siya ni Bea tungkol sa kanyang pagiging seloso.

Ani Ian, tinuturing niyang best decision ng buhay niya na nagpakasal siya ng maaga dahil pinakapaborito niyang role ang pagiging tatay. Aniya, kung hindi umano siya ikinasal noon, low quality life ang matatahak niya kaya hindi niya maisip ang buhay niya na hindi siya maging tatay. Marami ang humahanga sa kanya dahil sa pagiging tapat nito sa kanyang asawa kahit pa matagal na silang nagsasama.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate