Doug Kramer at Chesca Garcia, never umanong pinag-awayan ang tungkol sa pera

Doug Kramer at Chesca Garcia, never umanong pinag-awayan ang tungkol sa pera

- Ayon kay Doug Kramer, hindi kailanman nila napag-awayan ng asawang si Chesca Garcia ang tungkol sa usaping pera

- Aniya kahit pa dumating pa sa puntong nagkautang sila at nangangailangan ng pera

- Isa lamang umano ito sa mga ginawa nilang mag-asawa sa loob ng kanilang 19 taon bilang magkarelasyon

- Pinagdiriwang din ng mag-asawa ang kanilang 14th wedding anniversary

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Doug Kramer na hindi nila kailanman pinag-awayan ni Chesca Garcia ang usapin tungkol sa pera. Isa lamang umano ito sa mga ginawa nilang mag-asawa sa loob ng kanilang 19 taon bilang magkarelasyon.

Doug Kramer at Chesca Garcia, never umanong pinag-awayan ang tungkol sa pera
Doug Kramer at Chesca Garcia, never umanong pinag-awayan ang tungkol sa pera (@dougkramer)
Source: Instagram

Ani Doug, kahit dumating pa sa panahong nangailangan sila at nagkautang ay hindi nila pinag-awayan ang pera.

We have never ever fought about money, not even when we were in debt and in need.

Read also

Aubrey Miles, nalungkot nang matanggal ang Rocket’s Autism Awareness page nila

Naibahagi ito ni Doug kalakip ng kanyang pagbati sa asawa sa kanilang anniversary.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Doug Kramer ay sumikat bilang dating professional basketball player na naglaro sa walong koponan sa Philippine Basketball Association. Ikinasal sina Chesca at Doug Kramer noong October 9, 2008. Nabiyayaan sila ng tatlong anak na sina Clair Kendra Kramer, Scarlett Louvelle Kramer, at Gavin Phoenix Kramer. Iniwan ni Chesca ang pag-aartista upang maging full-time mommy sa kanyang mga anak.

Sa kanilang YouTube video, pinakita ng mag-asawang Doug at Chesca ang kanilang bagong condo sa kanilang mga anak. Hiwa-hiwalay na ang kanilang silid at ang disenyo ay binase umano sa gusto nila. Sa kanilang bahay, magkasama sa iisang silid sina Kendra at Scarlet samantalang may sariling silid naman si Gavin. Nagbahagi ng kanilang pasasalamat ang mga bata sa kanilang mga magulang dahil gustong-gusto umano nila ang kanilang mga silid.

Kamakailan ay binahagi ni Doug ang ilang pictures na kuha sa unang araw ng pagpasok ng panganay na si Kendra Kramer sa regular school. Ito ay matapos ang apat na taon na sa bahay lang sila nag-aaral kasama ang kanyang dalawa pang kapatid na sina Scarlet at Gavin. Papasok si Kendra bilang isang Grade 8 na mag-aaral at ayon kay Doug, sinigurado nilang handa ito sa lahat ng aspeto bago nila mapagpasyahang pwede na siyang pumasok sa regular school. Aniya, si Kendra ay naging magandang halimbawa sa kanyang mga nakababatang kapatid.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel