Barbie Imperial, masaya na naka-collab niya sina Anthony Leodones at Jamie Bautista

Barbie Imperial, masaya na naka-collab niya sina Anthony Leodones at Jamie Bautista

- Masaya si Barbie Imperial na natuloy na sa wakas ang aniya'y pinakahihintay niyang collab sa kanyang mga kaibigan

- Sa kanyang pinakabagong YouTube video ay nakasama niya at masayang naka-collab sina Anthony Leodones at Jamie Bautista

- Ginawa nila ni Anthony ang handcuff challenge habang kinaaliwan ang reaksiyon ni Jamie

- Matatandaang sa mga naunang video nila ay pabirong nagagalit si Jamie tuwing napag-uusapan nila si Barbie

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan sina Barbie Imperial kasama ang content creator na sina Anthony Leodones at Jamie Bautista. Sa bagong video na binahagi ni Barbie ay ginawa nila ni Anthony ang handcuff challenge habang kinaaliwan ang reaksiyon ni Jamie.

Barbie Imperial, masaya na naka-collab niya sina Anthony Leodones at Jamie Bautista
Barbie Imperial, masaya na naka-collab niya sina Anthony Leodones at Jamie Bautista (@msbarbieimperial)
Source: Instagram

Matatandaang kinaaliwan ang mga video ng mag-asawang Anthony at Jamie dahil sa nakakatuwa na reaksiyon ni Jamie pag napag-uusapan nila si Barbie. Pabiro nitong pinapakita na nagseselos siya kay Barbie.

Read also

Andrea Brillantes, mayabang ang first impression kay Ricci Rivero

Nakilala si Barbie Imperial matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: 737 kung saan nakilala siya bilang "The Doll along the Riles of Albay." Pinsan siya nina Michelle at Marco Gumabao. Matatandaang naging viral ang pag-amin ni Barbie tungkol sa relasyon nila ni Diego Loyzaga noong 2021 na aniya ay hindi niya inasahan dahil sila ay nagsimula sa pagkakaibigan. Pinasalamatan din ni Barbie si Diego dahil sa pagmamahal at pagpapasaya nito sa kanya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Samantala, ayon kay Barbie, bati na sila ng kontrobersiyal na social media personality na si Xian Gaza. Ito ay dahil sa umano'y panonood ni Xian sa kanyang kauna-unahang vlog episode na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Kabilang si Xian sa mga lalaking tinanong kay Barbie kung "jojowain o totropahin" niya at sinabi niyang totropahin lang si Xian dahil lagi niya itong inaaway. Matatandaang nag-viral ang reaction video ni Xian sa naturang vlog ni Barbie kung saan hindi nito maitago ang kanyang kilig.

Kamakailan ay sinorpresa ni Barbie ang ilang food delivery riders sa pamamagitan ng pagkaing siya mismo ang nag-order. Sa kanyang bagong vlog, pinakita niya ang mga naging reaksiyon ng drivers nang malaman nilang para pala sa kanila ang mga pagkaing dapat ay i-dedeliver nila. Ayon kay Barbie, dahil marami siyang natatanggap na biyaya ay naisipan nila ng kanyang team na magbahagi din ng biyaya. Isa sa mga riders na kanyang nabigyan ay bahagyang naging emosyonal dahil hindi pa daw siya nakaranas na mabigyan kagaya sa ginawa ni Barbie.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel