Regine Velasquez, todo-suporta sa Phelma na karakter ni Ogie Alcasid

Regine Velasquez, todo-suporta sa Phelma na karakter ni Ogie Alcasid

- Sa vlog ni Ogie Alcasid, binahagi niya ang behind-the-scenes video ng kanyang shooting para sa kanyang karakter na si Phelma

- Ito ay sa TV commercial ng DASH o Digital Advertising Self-serve Hub ng ABS-CBN

- Makikita sa kanyang vlog na ang kanyang misis na si Regine Velasquez mismo ang nagmake-up sa kanya

- Marami naman ang natuwa sa pagiging supportive ni Regine sa asawa kahit pa pinagbibihis itong babae sa kanyang mga ginagampanang karakter

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Todo-suporta si Regine Velasquez sa kanyang mister na si Ogie Alcasid sa karakter nitong si Phelma. Makikita sa vlog ni Ogie na ang kanyang misis na si Regine mismo ang nagmake-up sa kanya.

Regine Velasquez, todo-suporta sa Phelma na karakter ni Ogie Alcasid
Regine Velasquez, todo-suporta sa Phelma na karakter ni Ogie Alcasid (@reginevalcasid)
Source: Instagram

Makikita sa binahaging vlog ni Ogie ang behind-the-scenes ng kanyang TVC ng DASH o Digital Advertising Self-serve Hub ng ABS-CBN. Ang kanyang karakter na si Phelma ang tampok sa naturang commercial na talaga namang kinaaliwan.

Read also

Regine Velasquez, naaksidente matapos mawalan ng balanse sa isang birthday party

Marami naman ang natuwa sa pagiging supportive ni Regine sa asawa kahit pa pinagbibihis itong babae sa kanyang mga ginagampanang karakter.

I love how supportive si Regine sa kalokohan ng asawa nya.. GV GV LNG!!

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Best Couple, love the white terno Kuya & Ate. So sweet
Yung handa ka sabayan at suportahan ng Asawa mo. Make-up artist yarn I loveettt

Si Regine Velasquez o Regina Encarnacion Ansong Velasquez-Alcasid sa totoong buhay ay kilalang mang-aawit at binansagang "Asia's Songbird." Ang kanyang kahanga-hangang husay sa pagbirit ang isa sa pinakahinahangaan sa kanya. Bukod sa pagkanta, umarte na rin siya sa ilang pelikula at isa din siyang producer.

Kamakailan, kinaaliwan din ang biro ni Regine na kunwari ay nakikiusyuso kay Francine Diaz. Ito ay noong kasagsagan ng isyu tungkol sa kanila ni Andrea Brillantes at Seth Fedelin. Naging bahagi na din si Regine ng talk show na Magandang Buhay. Kinaaliwan ang kanyang post kung saan nawindang siya nang mapansing naka-tsinelas lamang siya nang pumunta siya sa taping.

Read also

Herlene Budol, inireklamo sa Raffy Tulfo in Action ang dating manager

Matapos mag-viral ang pagbabalik-tanaw ni Regine kaugnay sa nangyari bago sila nagkatuluyan ni Ogie Alcasid, naibahagi ni Cristy Fermin ang umano'y kanyang nasaksihan. Hindi lang umano isang beses nasangkot si Regine sa isyu ng pagiging 3rd party sa isang relasyon. Muling binalikan ni Nanay Cristy ang pagkasangkot niya sa relasyong Gelli de Bellen at Arel Rivera. Nasangkot din umano si Regine sa relasyong Bing Loyzaga at Janno Gibbs kahit kasal na ang mag-asawa noong mga panahong iyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel