Juliana Parizcova Segovia, hinanap ng netizens sa production number ng Miss Q and A 2022

Juliana Parizcova Segovia, hinanap ng netizens sa production number ng Miss Q and A 2022

- Hinanap ng netizens si Juliana Parizcova Segovia sa production number ng Miss Q and A 2022 ng It's Showtime

- Sa nasabing segment ay muling nagkatipon-tipon ang mga 'resbeki' na dati nang sumali sa nasabing pageant

- Subalit mapapansing ang mga 'resbeki' na ito ay ang mga hindi pinalad na manalo ng titulo mula nang magkaroon ng Miss Q and A 2022 sa It's Showtime

- Matatandaang si Juliana ang hinirang na unang Miss Q and A noong 2018

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agad na napansin ng mga netizens na wala si Juliana Parizcova Segovia sa production number ng Miss Q and A 2022 ng It's Showtime.

Juliana Parizcova Segovia, hinanap ng netizens sa production number ng Miss Q and A 2022
Juliana Parizcova Segovia (@juliana_parizcova)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na sa comment section ng post kung saan ipinakita ang mga larawang kuha sa production number ng mga 'All Star Resbeki' ay wala ang kauna-unahang Miss Q And A 2018.

Read also

Heart Evangelista, pabirong sinagot ang 'padasal' para sa mga niloko: "Prayer granted"

Karamihan sa mga netizens ay hinahanap si Juliana na nararapat lamang daw umanong naroon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Ilabas niyo si Juliana!"

"Asan si Juliana, dapa nandiyan din siya"

"OMG! Wala si Juliana Parizcova Segovia"

"Parang kulang... Wala si Juliana, our forever Miss Q and A," ang ilan sa mga naging komento ng netizens.

Ang isa sa mga kilalang personalidad na nagbabalik sa nasabing segment ng It's Showtime ay si Brenda Mage, "Dionisia" at "Manny."

Gayunpaman, mapapansing sa pagpapakilala ng mga It's Showtime host sa mga 'All Star Resbeki," sila pala umano ang mga dati nang sumali sa Miss Q and A subalit hindi pinalad na magkaroon ng korona o titulo.

Nangangahulugan lamang na kaya wala umano si Juliana ay dahil isa siya sa nabigyan na ng korona bilang Miss Q and A.

Read also

Kiray Celis, sinorpresa ng boyfriend at ng pamilya niya ng mamahaling cellphone

Si Juliana Parizcova Segovia o TJ Ortega sa totoong buhay ay nakilala sa mundo ng showbiz nang tanghaling Miss Q & A grand winner sa noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime noong 2018.

Kamakailan, gumawa ng ingay sa social media dahil sa isang parody video na umano'y bases sa kontrobersyal na video ni Angelica Panganiban.

Minsan na rin nitong pinabulaanan ang umano'y isyu kung saan dinedma raw siya ni Vice Ganda sa Miss International Queen Philippines. Aniya siya ang lumapit sa kanyang 'Meme Vice', nagbeso at yumakap kaya walang katotohanan ang sinasabing dedmahan nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel