Heart Evangelista, pabirong sinagot ang 'padasal' para sa mga niloko: "Prayer granted"

Heart Evangelista, pabirong sinagot ang 'padasal' para sa mga niloko: "Prayer granted"

- Sinagot ni Heart Evangelista ang isang TikTok video kung saan binahagi ng isang TikTok user ang litanya para sa mga babaeng naloko ng kanilang mister

- Sa comment section ay makikita ang sagot ni Heart na "Prayer Granted" dahil sa naturang litanya ay binabanggit nila si “Our Lady Heart Evangelista"

- Dahil sa kanyang sagot ay umigting ang usap-usapan tungkol sa napapabalitang paghihiwalay nila ni dating Sen. Chiz Escudero

- Matatandaang nag-ugat ang balita nang mapansin ng netizens ang pagpalit ni Heart ng pangalan niya sa sociale media

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinagot ni Heart Evangelista ang binahaging video ng TikTok user na may handle na @doctorjonnacenica. Sa comment section ay makikita ang sagot ni Heart na "Prayer Granted" dahil sa litanya tungkol sa babaeng naloko at nabanggit nila ang kanilang padasal kay “Our Lady Heart Evangelista."

Read also

Gerald Anderson, nagbura ng comment sa post ni Rayver Cruz

Heart Evangelista, pabirong sinagot ang 'padasal' para sa mga niloko: "Prayer granted"
Heart Evangelista, pabirong sinagot ang 'padasal' para sa mga niloko: "Prayer granted" (@iamhearte)
Source: Instagram

Kabilang sa mga nabanggit sa "dasal" ay ang mga sumususnod:

Para sa mga magagandang nananampalatayang walang k*bit ang mga asawa nila — Our Lady Heart Evangelista, please pray for us.
Para sa mga diyosang nagta-trabaho pa kahit milyonaryo na at pinalit sa mukhang paa — Our Lady Evangelista, please pray for us.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Para sa mga nasisi pa kahit ‘yung kabiyak naman nila ‘yung unang nang-walanghiya — Our Lady Heart Evangelista, please pray for us"

Ikinasal si Heart Evangelista sa dating senador na si Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit. Gayunpaman, isang netizen ang nagkomento na nababaliw na daw ang aktres dahil wala itong anak. Hindi naman ito pinalampas ni Heart at hindi na nakasagot ang naturang basher matapos siyang kuyugin ng mga followers ni Heart.

Read also

Rica Peralejo sa komento na naka-diaper pa rin ang anak niya: "You do you, I do me"

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan. Aniya, kung bibilangin ay malaki din ang ginagastos niya para sa kanyang accommodation sa tuwing pumupunta siya sa Paris. Matatandaang maraming pagkakataon na rin na naiimbitahan si Heart sa iba't-ibang fashion events sa ibang bansa kabilang na sa sikat na sikat na Fashion Week.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel