Gerald Anderson, nagbura ng comment sa post ni Rayver Cruz

Gerald Anderson, nagbura ng comment sa post ni Rayver Cruz

- Nag-comment si Gerald Anderson sa isang post ni Rayver Cruz kung saan binahagi ni Rayver ang ilang pictures niya kasama sina Bea Alonzo, Julie Anne San Jose at Dingdong Dantes

- Gayunpaman, ang picture nilang magkakasama ay hindi nakalagay sa unang bahagi ng post kaya hindi kaagad nakikita ang iba pang pictures na binahagi ni Rayver

- Ang kanilang pagpunta sa US ay para sa Together Again: A GMA Pinoy TV @ 17 Concert”

- Nagkomento si Gerald Anderson ng ”without me?” sa naturang post ni Rayver ngunit agad din niya itong nabura

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabura man ni Gerald Anderson ang kanyang komento sa post ng bestfriend niyang si Rayver Cruz, marami sa mga netizen ang nakapag-screenshot ng kanyang comment. Ang group picture nina Rayver kung saan kasama si Bea Alonzo ay hindi nakalagay sa unahan kaya hindi ito agad nakikita.

Read also

Angeline Quinto, engaged na sa kanyang partner na si Nonrev Daquina

Gerald Anderson, nagbura ng comment sa post ni Rayver Cruz
Gerald Anderson, nagbura ng comment sa post ni Rayver Cruz (@andersongeraldjr)
Source: Instagram

Ang pagpunta nia Rayver, kasama sina Bea Alonzo, Julie Anne San Jose at Dingdong Dantes sa US ay para sa Together Again: A GMA Pinoy TV @ 17 Concert.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Gerald Anderson, nagbura ng comment sa post ni Rayver Cruz
Gerald Anderson, nagbura ng comment sa post ni Rayver Cruz (@rayvercruz)
Source: Instagram

Para sa ibang netizens, marahil ay hindi kaagad napansin ni Gerald na kasama pala si Bea sa post ni Rayver kaya napa-comment ito.

Si Gerald Anderson ay unang sumikat sa mundo ng showbiz matapos niyang mapabilang sa mga teen housemates ng Pinoy Big Brother kung saan nakasama niya si Kim Chiu. Naging katambal niya sa maraming pelikula si Kim na naging kasintahan niya rin sa totoong buhay. Gayunpaman, nagkahiwalay sila at naiugnay sa ibang mga aktres si Gerald kagaya nina Maja Salvador, Bea Alonzo at Sarah Geronimo.

Sa pag-guest ng kasintahan ni Gerald na si Julia Barretto sa YouTube channel ni Karen Davila, natanong siya kung sigurado siyang hindi siya sasaktan ng kanyang boyfriend. Ani Julia, hindi siya makikipagrelasyon kay Gerald kung hindi niya ito pinagkakatiwalaan. Pinapakita umano nito kay Julia na mapagkakatiwalaan siya at walang dahilan para pagdudahan niya si Gerald.

Sa parehas ding panayam kay Julia, natanong ni Karen Davila kay Julia ang ilang bagay tungkol sa estado ng relasyon nila ni Gerald. Kabilang na dito ay ang posibilidad na magpakasal silang magkasintahan. Ani Julia, naniniwala siyang dadating sa kanila ni Gerald ang tamang panahon tungkol sa usaping ito. Aniya masaya naman siya at secured kahit hindi pa sila kinakasal ng aktor.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel