Marjorie Barretto, nagbahagi ng mensahe para kay Julia Barretto: "I am so proud of you"

Marjorie Barretto, nagbahagi ng mensahe para kay Julia Barretto: "I am so proud of you"

- Nag-post si Marjorie Barretto ng isang menahe para sa anak na si Julia Barretto matapos ang muling pag-ingay ng pangalan nito dahil sa post ng ama niyang si Dennis Padilla

- Ani Marjorie, ang kanyang pagmamahal kay Julia ay maasahan niya at poprotekta sa kanya

- Aniya, proud siya sa kanyang anak at maituturin niyang siya ay pinagpala na si Julia ang kanyang anak

- Sa kabila ng mga pangyayari, nagpapasalamat pa rin umano sila sa lahat ng magagandang bagay na dumadating sa kanila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpahayag si Marjorie Barretto ng kanyang pagmamahal sa anak na si Julia Barretto sa gitna ng isyung kinasasangkutan nito. Aniya, proud siya sa kanyang anak at maituturing niyang siya ay pinagpala na si Julia ang kanyang anak.

Marjorie Barretto, nagbahagi ng mensahe para kay Julia Barretto: "I am so proud of you"
Marjorie Barretto, nagbahagi ng mensahe para kay Julia Barretto: "I am so proud of you" (@juliabarretto)
Source: Instagram

Pinaalala din ni Marjorie kay Julia na alam ng Diyos ang lahat ng nangyayari. Sa kabila ng mga pangyayari, nagpapasalamat pa rin umano sila sa lahat ng magagandang bagay na dumadating sa kanila.

Read also

Derek Ramsay, tinapos na ang kontrata niya sa Kapuso Network

Dearest Jul, I LOVE you with the kind of love that you can trust. Love that you can depend on, and the kind that will protect you and never betray you. Maybe you need to hear this today… I am so proud of you, Juli. I am so blessed to be able to call you my child. Here we go again, back in our family bubble shutting off the noise outside. Only choosing to be grateful for the good things that is in front of us. Remeber Jul, God is all knowing.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Julia Barretto ay aktres na nagmula mula sa angkan ng mga Barretto na kilala sa mundo ng showbiz. Anak siya ni Dennis Padilla at ng batikang aktres na si Marjorie Barretto. Pamangkin siya nina Claudine at Gretchen Barretto.

Read also

Mga post ni Dennis Padilla ukol sa naging interview sa anak na si Julia, burado na

Sa kabila ng mga negatibong reaksiyon ng mga netizens, ibinahagi kamakailan ni Vicki Belo ang litrato nila ni Hayden kasama sina Gerald at Julia. Para naman kay Gerald, pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik nang aminin ang tungkol sa relasyon nila ni Julia. Matatandaang naging usap-usapan nang aminin sa wakas ni Gerald ang tungkol sa relasyon nila ni Julia Barretto sa isang exclusive interview ni Boy Abunda sa kanya.

Aminado si Julia na nakakapag-usap pa rin sila ng kanyang ex-boyfriend na si Joshua Garcia. Naibahagi niya sa panayam ni Boy Abunda sa kanya na pinayuhan niya si Joshua na huwag munang makipagrelasyon. Sa pananaw niya ay maaring magiging sagabal lang sa kanyang showbiz career kapag makipagrelasyon ang dating nobyo. Gusto umano niyang ma-enjoy ni Joshua ang kanyang umaalagwang showbiz career.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel