Derek Ramsay, tinapos na ang kontrata niya sa Kapuso Network

Derek Ramsay, tinapos na ang kontrata niya sa Kapuso Network

- Naibahagi ni Derek Ramsay na tinigil na umano niya ang kanyang kontrata sa GMA-7

- Ito ay sa kabila ng natitirang isa't kalahating taon pa sana niya sa kanyang pinirmahang kontrata

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa panayam ng Philippine Star sa aktor, sinabi nito na pinayagan siya ng management na mapaagang matapos ang kontrata

- Aniya, nais niyang mabigyan ng oras na maalagaan sina Ellen Adarna at ang anak nito na si Elias Modesto

Masaya si Derek Ramsay na pinayagan siya ng GMA na huwag nang antaying matapos ang nalalabing isa't kalahating taon sa kanyang kontrata. Sa panayam ng Philippine Star, sinabi niyang nais niyang mabigyan ng oras na maalagaan sina Ellen Adarna at ang anak nito na si Elias Modesto.

Derek Ramsay, tinapos na ang kontrata niya sa Kapuso Network
Derek Ramsay, tinapos na ang kontrata niya sa Kapuso Network (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

May posibilidad naman umanong gumawa siya ng TV projects sakaling maganda ang script at hindi niya kakailanganing mapalayo sa pamilya niya ng mahabang panahon.

Read also

Vice Ganda sa mananalo ng Idol PH Season 2: "Sana mag stay ka muna dito sa network"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"If the right script comes along and I won’t be away too much from my family, malamang gagawin ko 'yan. But for now, like sa GMA contract ko, out na ako sa contract ko. I was able to part ways with GMA."

Si Derek Ramsay ay isa sa mga pinakahinahangaang leading man sa bansa. Bumida siya sa ilang mga pelikula kagaya na lamang ng No Other Woman at English Only, Please. Matatandaang naging usap-usapan ang naging pahayag ni Derek tungkol sa ex-boyfriend ni Ellen na si John Lloyd Cruz na siya ring ama ng unico hijo ni Ellen na si Elias.

Sa kabila ng pagiging masaya ng buhay-pag-ibig ng aktor, marami pa rin ang nambabatikos sa kanila ni Ellen. Gayunpaman, hindi ito inaatrasan ng dalawa at maraming beses na silang sumasagot sa mga bashers nila. Malimit ding kinagiliwan ng mga netizens ang pagiging malapit ng anak ni Ellen sa kanyang Tito Derek.

Read also

Dennis Padilla, hindi pa daw handang patawarin si Julia Barretto

Sa kanyang Instagram story nitong Sabado, pinakita ni Ellen Adarna ang isang boat jet na may nakalagay na pangalan niya. Maririnig ang kanyang pagsasalita sa video sa kanyang IG story kung saan sinabi niyang impulsive ang kanyang asawa. Naka-tag din sa naturang video clip si Derek at biniro pa ni Ellen ang mister na magsusumbong siya sa mommy nito. Sa isa pang story ay makikita si Ellen at ang anak niyang si Elias na nakasakay sa boat jet.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel