Vice Ganda sa mananalo ng Idol PH Season 2: "Sana mag stay ka muna dito sa network"

Vice Ganda sa mananalo ng Idol PH Season 2: "Sana mag stay ka muna dito sa network"

- Nagbigay ng mensahe si Vice Ganda sa winner sa "Idol PH Season 2" bago ianunsiyo ang panalo sa naturang singing contest sa ABS-CBN

- Bilang isa sa mga naging hurado sa season 1 ng "Idol PH", nagbahagi ng kanyang mensahe si Vice para sa mga kalahok

- Pabiro niyang sinabi na sana ay manatili sa ABS-CBN ang hihiranging kampeyon at tapangan nila dahil hindi magiging madali ang kanilang kakaharaping mga pagsubok

- Matatandaang lumipat na sa GMA-7 ang winner ng seasong 1 na si Zephanie Dimaranan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Payo ni Vice Ganda sa hihiranging kampeyon ng Idol PH Season 2 ay tapangan nila dahil kakailangan nila ito sa pagsubok na haharapin sa showbiz. Pabiro niyang sinabi na sana ay manatili sa ABS-CBN ang hihiranging kampeyon.

Vice Ganda sa mananalo ng Idol PH Season 2: "Sana mag stay ka muna dito sa network"
Vice Ganda sa mananalo ng Idol PH Season 2: "Sana mag stay ka muna dito sa network" (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Ang grand winner ng season 1 ng naturang singing contest ay si Zephanie Maranan. Kasalukuyang nasa GMA-7 na ito matapos niya mapagpasyahang lumipat na ng estasyon.

Read also

Anne Curtis, nataranta habang nagluluto sa tulong ng instruction ni Erwan Heussaff

Samantala, nag-promote din si Vice Ganda ng kanyang show na Everybody Sing na nakatakdang mapanood tuwing Sabado at Linggo na siyang papalit sa timeslot ng Idol PH.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na sa kasalukuyan ay hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, kasalukuyang nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel