Neri Miranda, naibili na rin ng condo ang bunsong anak na si Cash
- Binahagi ni Neri Miranda ang kanyang nabiling condo unit para sa bunsong anak na si Cash
- Iyon umano ang investment ni Neri para sa anak at mula sa kita ng endorsement ng anak ang pinangbayad niya dito
- Paparentahan umano ni Neri ang naturang condo kagaya ng pinarentahang condo na para naman sa anak na si Miggy
- Natapos na umanong hulugan ni Neri yung condo ni Miggy at maghuhulog pa din siya para sa condo ni Cash
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nakabili na rin si Neri Miranda ng condo para naman sa pangalawang anak na si Cash. Ayon kay Neri, mula sa kita ng endorsement ng anak ang pinangbayad niya sa naturang condo na nakatakda din niyang parentahan.
Aniya, nais niyang makita ng mga anak nila ang kanilang pinagtrabahuhan habang lumalaki sila.
Eto rin ang magiging first negosyo ni Cash. Kagaya ni Kuya Miggy, ipapa-rent din namin to. Para mag generate ng income at mas makapag ipon pa sila. Ako mismo ang nagmamanage ng pera nila. Nilalagay ko sa investments at sa insurance. At kapag maiintindihan na nila ang importance ng saving their money, mas maaappreciate nila ang ginagawa namin ng Dad nila. Para kahit bata palang sana, maging wais na sila sa buhay.
Hinuhulugan niya pa rin umano ito. Samantala, natapos na umanong hulugan ni Neri yung condo ni Miggy.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Neri naig Miranda o Nerizza Garcia Presnede Naig-Miranda sa tunay na buhay ay isang aktres na unang nakilala nang mapasali siya sa reality show ng ABS-CBN na Star Circle Quest. Tinanghal siyang 6th runner-up sa naturang talent search. Taong 2914 nang ikasal sila ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.
Hindi man aktibo sa showbiz, naging matagumpay si Neri pagdating sa pagnenegosyo. Marami ang humanga sa kanya ngunit mayroon ding mga negatibo ang pagtanggap sa pagbabahagi ni Neri tungkol sa kanyang mga negosyo. Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Neri ang kanyang pasasalamat sa kanyang mister na si Chito. Kaugnay ito sa kanyang natanggap na regalo mula sa kanyang mister na massage chair. Isang netizen naman ang tila hindi nagustuhan ang pag-post na ito ni Neri at sinabihan niya itong mayabang. Imbes na magalit, sinabi ni Neri na malalampasan din ng naturang netizen kung ano man ang pinagdadaanan niya.
Hindi naman pinalampas ni Chito ang isang netizen na nagsabing mayabang sila ng kanyang asawang si Neri. Sinabihan ni Chito ang netizen na mag-unfollow na lang kung naiinis siya sa post ni Neri dahil mayroon namang mga netizens na na-iinspire sa post ng kanyang asawa. Dagdag pa ni Chito, social media account naman ni Neri iyon kaya may kalayanan naman siyang i-post ang mga bagay na gusto niyang isapubliko.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh