Cristy, nilarawang 'well-loved' agad ang anak nina Jessy at Luis Manzano

Cristy, nilarawang 'well-loved' agad ang anak nina Jessy at Luis Manzano

- Nilarawan ni Cristy Fermin na 'well-loved' na agad ang apo ng "Star for all Seasons" na si Vilma Santos

- Ipinagbubuntis na kasi ni Jessy ang kanilang baby girl ni Luis Manzano kaya naman sobrang excited na si Ate Vi

- Katunayan, agad na raw nitong naisip kung ilang araw mag-stay ang baby sa kanila at kina Luis

- Nabanggit din Cristy na maging ang kaapu-apuhan ni Ate Vi ay hindi na maghihirap gayung isa umano ito sa pinakamayamang artista sa bansa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Talagang 'well-loved' daw ang apo ng "Star for all Seasons" na si Vilma Santos sa anak nitong si Luis Manzano ayon kay Cristy Fermin sa pinakabagong episode nila ng Showbiz Now Na!

Cristy, nilarawang 'well-loved' agad ang anak nina Jessy at Luis Manzano
Vilma Santos kasama ang anak na si Luis Manzano at Jessy Mediola (Screengrab from Vilma Santos-Recto YouTube)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na hindi pa man inilalabas sa mundo ang anak nina Jessy at Luis na tinatawag nilang 'Baby Peanut' ay punong-puno na ito ng pagmamahal lalong-lalo na mula sa kanyang lola Vilma.

Katunayan, halos maglulundag sa saya ang "Star for all Seasons" sa gender reveal ng baby nina Luis. At sa kanya namang vlog, siya ang pinakaunang nagbigay ng regalo sa kanyang apo. Siniguro rin niyang ito na ang pinakabagong labas na baby bottles at sterilizers.

Samantala maging ang ama naman ni Luis na si Edu Manzano ay halos maluha-luha rin nang ipaalam ng mag-asawa na magkakaapo na ito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kaya naman ayon kina Cristy, masuwerte si 'Baby Vina' na marami na agad ang nagmamahal at nagsasabik na makasama siya.

"Ito' yung well-loved na bata. Hindi pa ipinanganganak, napakarami nang magmamahal sa kanya," ani Cristy.

Dagdag naman ni Romel Chika, mabuting anak si Lucky kaya naman tila 'good karma' ang nangyayari ngayon sa kanyang sarili nang pamilya.

Ayon pa kina Cristy, dahil na rin sa husay sa paghawak ni Ate Vi ng kanyang salapi, hindi na rin maghihirap maging ang kanyang kaapu-apuhan.

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Cristy, Morly at Romel sa YouTube channel nila na Showbiz Now Na!

Si Cristy Fermin isa sa mga respetadong showbiz reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, pinangunahan niya ang iba't ibang mga talk shows kung saan masasagap ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pamamayagpag sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel