Zeinab Harake, ayaw magkaroon ng ugnayan ang anak sa ama nito

Zeinab Harake, ayaw magkaroon ng ugnayan ang anak sa ama nito

- Ayon kay Zeinab Harake, ayaw niya nang makipag-usap pa sa dati niyang karelasyon na si Skusta Clee

- Sa naganap na entertainment presscon sa launching n’ya bilang bagong ambassador ng oral-care products ng beauty brand na BeauteDerm, naibahagi ni Zeinab na hindi siya bukas na makipag-co-parenting kay Skusta Clee

- Aniya ay kaya naman niyang gampanan ang pagiging ina at pagiging ama sa kanyang mga anak

- Dagdag pa niya ay ayaw niyang magkaroon pa ng kahit anong kaugnayan ang anak niya sa biological father nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Para kay Zeinab Harake, hindi na kailangan ng anak niyang si Bia na magkaroon pa ng ugnayan kay Skusta Clee. Sa naganap na entertainment presscon sa launching n’ya bilang bagong ambassador ng oral-care products ng beauty brand na BeauteDerm, naibahagi ni Zeinab na hindi siya bukas na makipag-co-parenting sa dati niyang karelasyon.

Read also

Ion Perez, pinakita ang aniya'y pinag-ipunan niyang dream bike

Zeinab Harake, ayaw magkaroon ng ugnayan ang anak sa ama nito
Zeinab Harake, ayaw magkaroon ng ugnayan ang anak sa ama nito (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Aniya, kaya naman niyang gampanan ang pagiging ina at pagiging ama sa kanyang mga anak.

“Kaya ko naman po. Hindi naman po ako nangangailangan. Yong baby ko po, baby ko lang po ’yon. Akin lang po ’yon.”

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dagdag pa niya ang gusto laman niya ay ang 'best' para sa anak niya.

“Paano ko ididikit ang anak ko sa taong hindi ako magiging kampante na kasama ng anak ko? Hindi rin ako magiging palagay. Gusto ko lang naman lahat ng best para sa kanya.”

Hindi na umano sila nagkakausap at sa tingin niya ay alam naman ni Skusta na nasa mabuting kalagayan ang anak nila at mapapabuti sa poder ni Zeinab.

Si Zeinab Harake ay isang kilalang social media influencer at sikat na YouTube content creator na mayroong milyon-milyong subscribers. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Read also

Andrew Schimmer, naging emsoyonal sa mensahe ng mga anak para sa kanya

Marami sa mga netizens ang bumati kay Zeinab noong Father's Day at binahagi niya ito sa kanyang IG stories. Marami sa mga ito ang pagbati sa kanyang pagtayo bilang ama sa anak niyang sina Lucas at Zebbiana. Matatandaang simula nang isapubliko ni Zeinab ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee ay bumuhos ang suporta sa kanya hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging mula sa mga kapwa niya social media influencer at content creator. Kasalukuyang nasa pangangalaga niya ang anak na si Bia at ang adopted son na si Lucas

Nitong Father's Day ay sinabi ni Zeinab na saludo siya sa mga kapwa niya nanay na aniya ay nagpapaka-tatay sa kanilang mga anak. Kaya naman, isang pagbati ang binahagi ni Zeinab sa mga kagaya niyang single mom sa pamamagitan ng isang tweet. Bumuhos naman ang pagbati sa kanya mula sa kanyang mga followers na sumuporta sa kanya lalo na nang isapubliko niya ang paghihiwalay nila ni Skusta Clee.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel