Ion Perez, pinakita ang aniya'y pinag-ipunan niyang dream bike

Ion Perez, pinakita ang aniya'y pinag-ipunan niyang dream bike

- Ayon kay Ayon Perez, matagal niya nang gustong bilhin ang kanyang dream bike ngunit hindi pa umano niya kaya noon

- Inunti-unti niya umano ang pagbili ng piyesa at nabuo niya na ang Tarmac SL7 kaya nagpatulong na siya sa pagbuo ng kanyang bike

- Aniya, dati ay tinitingnan-tingnan niya lang iyon at walang araw na pinalalagpas na hindi masilayan ang pangarap na bisikleta

- Kaya naman hindi na niya pinalampas nang mabigyan siya ng pagkakataon na mabili ang mamahaling bike

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang-masaya si Ion perez na nabili na niya ang aniya'y matagal niya nang pinangarap na bike, ang Tarmac SL7. Pinag-ipunan niya umano ito dahil dati ay walang araw na hindi niya tinitingnan ang bike na yun noon.

Ion Perez, pinakita ang aniya'y pinag-ipunan niyang dream bike
Ion Perez, pinakita ang aniya'y pinag-ipunan niyang dream bike (@pereziion27)
Source: Instagram

Nang makapag-ipon ay hindi na niya pinalampas ang pagkakataon lalo at mahirap din umano hanapin ang naturang bike. Inunti-unti niya umano ang pagbili ng piyesa at nabuo niya na ang Tarmac SL7 kaya nagpatulong na siya sa pagbuo ng kanyang bike.

Read also

Fish vendor na isang kamay lang ang naigagalaw, umantig sa puso ng marami

Nagbiro pa ito na mukhang ang bike umano ang makakatabi niyang matulog.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Benigno Dungo Perez o mas kilala sa kanyang screen name na Ion Perez ay isang aktor, model, at TV host. Una siyang sumikat sa bansag na Kuya Escort sa Miss Q and A segment ng It's Showtime. Sa kasakuluyan ay isa siya sa mga regular host ng It's Showtime.

Binahagi ni Ion ang video ng pamimigay niya ng biyaya sa kanyang mga kalugar sa Tarlac. Sa kanyang video ay umuwi siya sa probinsya at naghandog ng bigas sa 50 na tao mula sa kanilang lugar. Nagpakain din siya ng lugaw at sandwich sa ilan sa mga taga roon para sa kanyang feeding program. Marami ang humanga kay Ion Perez dahil sa kabila ng kanyang kasikatan ay hindi nito nakakalimutang magbahagi ng biyaya.

Pinakita din ni Ion ang kanilang naging biyahe papuntang Amerika kamakailan. Ito ay para sa series of concert ni Vice Ganda sa Amerika na pinamagatang "Fully Vicenated." Makikita sa video ang kanilang naging paghahanda bago ang kanilang flights hanggang sa makarating sila sa Los Angeles. Matatandaang sa mga naunang mga concert ni Vice Ganda ay nakasama niya na rin si Ion.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel