Kristel Fulgar, sinundo ni "Big Boss" sa kanyang pagpunta sa Korea

Kristel Fulgar, sinundo ni "Big Boss" sa kanyang pagpunta sa Korea

- Sa bagong vlog ni Kristel Fulgar, pinakita niya ang kanyang pagbiyahe papuntang South Korea

- Sinundo siya ni Yohan Kim, o mas kilala sa bansag na Big Boss, ang CEO ng isang kilalang skincare brand na ni-launch sa Pilipinas noong 2018

- Makikita sa naturang video ang kasiyahan nilang dalawa na muli silang nagkita nang personal matapos ang ilang taong pandemya

- Marami naman sa viewers niya ang kinilig sa muli nilang pagsasama

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinakiligan sina Kristel Fulgar at si Yohan Kim, o mas kilala sa bansag na Big Boss nang muli silang magkita sa Korea. Sinundo ni Big Boss si Kristel sa airport at pinakita ito ni Kristel sa kanyang pinakabagong vlog.

Kristel Fulgar, sinundo ni "Big Boss" sa kanyang pagpunta sa Korea
Kristel Fulgar, sinundo ni "Big Boss" sa kanyang pagpunta sa Korea (@kristelfulgar)
Source: Instagram

Si Big Boss ang CEO ng isang kilalang skincare brand na ni-launch sa Pilipinas noong 2018. Samatala, si Kristel naman ang naging endorser ng kanyang skin care brand.

Read also

Buboy Villar, aminadong sobrang laki ng tulong ni Marian Rivera sa career nya

Marami naman sa viewers niya ang kinilig sa muli nilang pagsasama :

Naiyak ako dun sa when they hug each other, I know the feeling of missing someone huhu... This is my favorite KDrama so far. A follower since before. I always watched your video ate Kristel kahit paulit ulit ko pinapanood ndi nakakasawa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ito yata ang pinaka paborito kong KDrama! Grabe nman kasi real life collaboration with a Pinay!!! Super nakaka kilig! I’m sooo happy and excited for you Kristel! Have fun and enjoy!
Grabe I can feel the stress from packing but the “worth it” feels once she landed to SoKor. You’re living the life Kristel. Enjoy and be safe.

Si Kristel Fulgar ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng "Goin' Bulilit". Ilan sa mga palabas na naging kabahagi siya ay Maria Flordeluna, Dahil Sa Pag-ibig, Got to Believe at Bagito.

Read also

Ion Perez, titigil na lang sa pagmo-motocross para sa katahimikan ng loob ni Vice Ganda

Samantala sa nauna niyang vlog, isang DIY recording studio, office at home theater ang pinakita ni Kristel sa kanyang bagong YouTube vlog episode. Aniya, pangarap niyang magkaroon ng home studio kahit noong bata pa lamang siya. Aniya, hindi naman iyon magarbo kagaya ng pinapakita ng ibang mga content creator lalo at DIY lamang ang kanyang home studio.

kamakailan ay muling nakasama ni Kristel ang "Maria Flordeluna" co-star niyang si Eliza Pineda sa kanyang bagong vlog. Siya din umano ang pinakaunang naging kaibigan ni Kristel sa showbiz dahil hindi umano ito mayabang kagaya ng ibang batang artista na nauna sa kanya. Sabay nilang pinanuod ang isang eksena sa "Maria Flordeluna" at sinubukan nilang gayahin ang kanilang ginawa doon. Muli din nilang binalikan ang kanilang kabataan nang isa-isa nilang tiningnan ang mga pictures nila noon na magkasama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel