Barbie Imperial, pinabulaanan ang chismis tungkol sa lumabas na picture nila ni Xian Lim

Barbie Imperial, pinabulaanan ang chismis tungkol sa lumabas na picture nila ni Xian Lim

- Pinabulaanan ni Barbie Imperial ang chismis tungkol sa lumabas na picture nila ni Xian Lim

- Matatandaang kumalat at naging usap-usapan ang picture ni Barbie kasama si Xian sa isang hotel

- Ayon kay Barbie, totoo namang sa iisang hotel lang sila naka-check-in ngunit hindi naman umano iyon nangangahulugang nagkasama sila sa iisang kwarto

- Nilinaw niya din na naroroon sila para sa trabaho at sa katunayan ay nagpa-picture pa umano sila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Barbie Imperial, kaya sila nagkasama ni Xian Lim sa nag-viral na picture sa isang hotel sa Davao ay dahil sa trabaho. Ayon kay Barbie, totoo namang sa iisang hotel lang sila naka-check-in ngunit hindi naman umano iyon nangangahulugang nagkasama sila sa iisang kwarto.

Barbie Imperial, nilinaw ang tungkol sa lumabas na picture nila ni Xian Lim
Barbie Imperial, nilinaw ang tungkol sa lumabas na picture nila ni Xian Lim (@msbarbieimperial)
Source: Instagram

Nilinaw niya din na naroroon sila para sa trabaho at sa katunayan ay nagpa-picture pa umano sila.

Read also

Cristy sa 'never date a celebrity' statement ni Markus Paterson; "OA naman sa kayabangan"

Para naman sa mga viewers ni Barbie, kaya maraming isyu na pinupukol sa kanya dahil sumisikat siya at maraming naiingit:

Ganyan talaga pag mga inggit wag mo nalang po silang pansinin stay strong I'm here to support you.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ganyan talaga pag sikat bie be strong nalng I'm here to support u always luv u bie
sikat kasi kays binabato kung di sikat di naman yan paguusapan

Nakilala si Barbie Imperial matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: 737 kung saan nakilala siya bilang "The Doll along the Riles of Albay." Pinsan siya nina Michelle at Marco Gumabao. Matatandaang naging viral ang pag-amin ni Barbie tungkol sa relasyon nila ni Diego Loyzaga noong 2021 na aniya ay hindi niya inasahan dahil sila ay nagsimula sa pagkakaibigan. Pinasalamatan din ni Barbie si Diego dahil sa pagmamahal at pagpapasaya nito sa kanya.

Read also

Fish vendor na isang kamay lang ang naigagalaw, umantig sa puso ng marami

Samantala, ayon kay Barbie, bati na sila ng kontrobersiyal na social media personality na si Xian Gaza. Ito ay dahil sa umano'y panonood ni Xian sa kanyang kauna-unahang vlog episode na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Kabilang si Xian sa mga lalaking tinanong kay Barbie kung "jojowain o totropahin" niya at sinabi niyang totropahin lang si Xian dahil lagi niya itong inaaway. Matatandaang nag-viral ang reaction video ni Xian sa naturang vlog ni Barbie kung saan hindi nito maitago ang kanyang kilig.

Kamakailan ay sinorpresa ni Barbie ang ilang food delivery riders sa pamamagitan ng pagkaing siya mismo ang nag-order. Sa kanyang bagong vlog, pinakita niya ang mga naging reaksiyon ng drivers nang malaman nilang para pala sa kanila ang mga pagkaing dapat ay i-dedeliver nila. Ayon kay Barbie, dahil marami siyang natatanggap na biyaya ay naisipan nila ng kanyang team na magbahagi din ng biyaya. Isa sa mga riders na kanyang nabigyan ay bahagyang naging emosyonal dahil hindi pa daw siya nakaranas na mabigyan kagaya sa ginawa ni Barbie.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel