Maricel Soriano, tinuruan si Small Laude kung paani tumawad ng bongga

Maricel Soriano, tinuruan si Small Laude kung paani tumawad ng bongga

- Kinaaliwan sina Maricel Soriano at Small Laude sa binahaging video ni Maricel sa kanyangg YouTube channel

- Kumasa sila sa challenge na mamili sa tyangge gamit lamang ang kanilang budget na tig-tatlong libo kada isa

- Dahil mayroon silang budget na dapat sundin, todo-tawad sila at napabilib si Small sa husay ni Maricel sa pagtawad

- Bukod sa kanilang kwelang mga hirit, marami ang natuwa sa kanilang pakikipag-usap sa mga taong kanilang nakakasalamuha sa mga tyanggeng kanilang binibilhan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Bumilib kay Maricel Soriano si Small Laude sa husay umano nitong tumawad. Sa bagong video na binahagi ni Maricel ay kumasa sila sa challenge na mamili sa tyangge gamit lamang ang kanilang budget na tig-tatlong libo.

Maricel Soriano, kinaaliwan sa kanyang "Game of Firsts" vlog
Maricel Soriano, kinaaliwan sa kanyang "Game of Firsts" vlog (@maricel.soriano.official)
Source: Instagram

Marami ang natuwa sa dalawa dahil sa kabila ng kanilang estado sa buhay ay maayos silang makisama sa mga taong kanilang nakakasalamuha. Marami sa mga viewers ng vlog ni Maricel ang nagsabing parehas umano silang dalawa na natural at walang arte ka

Read also

Vice Ganda, binayaran ang mahigit 50,000 na utang ng isang may-ari ng karinderya

Narito ang ilan sa mga komento:

Yung Ibang mga feeling sikat Di man lang marunong ngumiti sila pareho bumabati talaga at nag smile kahit parehong sikat.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang galing ng chemistry at vibes nilang dalawa kasi parehong natural at totoong mga tao.
Grabe ang mga pinaka down-to-earth na mga sikat at mayaman na walang ka arte2 sa katawan. Love you po mga idol Marya at Small.

Si Maricel Soriano ay isa sa kinikilalang batikang aktres sa bansa. Kilala siya sa bansag na "The Diamond Star". Ilan sa kanyang nagawang serye at pelikula ay Mother Nanny (2006), Saan darating ang umaga? (1983) at Dahas (1995). Ikinasal siya sa aktor na si Edu Manzano noong 1989.

Sa kanyang naunang vlog, nakasama ni Maricel ang Quizon brothers na sina Eric, Epi at Vandolph. Naging malapit sila na parang tunay na magkakapatid dahil sa pagiging malapit ni Maricel sa daddy nila na si Dolphy Quizon. Napagkwentuhan nila ang kanilang mga naging memories kasama sa kanilang pinakamamahal na daddy. Habang nagkukwentuhan ay kumakain din silang apat ng mga seafoods.

Read also

Bagong kasal sa Batangas, instant milyonaryo sa PHP1.8 million cash gift ng mga bisita

Samantala ayon kay Judy Ann Santos, napapadasal na lang siya na matapos na ang eksena kapag kaeksena niya noon si Maricel. Maging si Meryll Soriano na pamangkin ni Maricel ay aminadong malakas talaga manampal ang kanyang tita. Kwento pa ni Juday, napunta umano sa likod ang kanyang headband at tumabingi ang kanyang ribbon nang minsang makaeksena niya si Maricel at sinampal siya nito. Gayunpaman, nakakatulong umano ito sa mas maayos na pagpapakita ng emosyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel