Lie Reposposa, naikwento na siya ang unang girlfriend ng kanyang British boyfriend

Lie Reposposa, naikwento na siya ang unang girlfriend ng kanyang British boyfriend

- Naibahagi nina Lie Reposposa at ng kanyang British boyfriend ang ilang detalye tungkol sa kanilang relasyon

- Si Lie daw ang unang girlfriend ng boyfriend niyang si Paul Joshua Marsden na kagaya niya ay 19 taong gulang din

- Sa binahaging YouTube video ni Lie ay makikita sila ng boyfriend habang sila ay nasa Pattaya resort sa Thailand

- Matatandaang pinag-usapan nang husto ang dalawa matapos isapubliko ni Lie ang ilang pictures at video nilang magkasintahan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Lie Reposposa at sa British boyfriend niyang si Paul Joshua Marsden, si Lie umano ang unang girlfriend ni Paul. Sa bagong vlog ni Lie ay binahagi nila ang ilang bagay tungkol sa kanilang relasyon.

Lie Reposposa, unang girlfriend ng boyfriend niyang si Paul Joshua Marsden
Lie Reposposa, unang girlfriend ng boyfriend niyang si Paul Joshua Marsden (@liereposposaofc)
Source: Instagram

Kagaya ni Lie ay palabiro din si Paul at anila ay parehas sila ng humor. Sa vlog nila na kuha sa Pattaya resort sa Thailand, naibahagi nila ang ilang bagay kagaya na lamang ng kung paano sila nagkakilala.

Read also

Lie Reposposa, binahagi ang Q&A video nila ng kanyang boyfriend

Unang nakilala si Lie bilang si Angelie “Lie” Reposposa nang sumali siya bilang isa sa mga daily contender ng 'Tawag ng Tanghalan' sa It's Showtime. Hindi man pinalad na manalo, ito ang naging daan upang mapasali siya sa Pinoy Big Brother kung saan napabilang siya sa mga finalist matapos niyang hiranging isa sa nanalo sa kanilang batch.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kamakailan ay inilabas ni Lie ang kanyang sama ng loob matapos niyang matuklasan ang umano'y pangba-backstab ng kanyang teacher. Aniya, dahil nais niyang mapagsabay ang pagtatrabaho at ang pag-aaral, sinubukan niya ang Alternative Learning System o ALS. Kasabay ng kanyang mensahe kaugnay sa kanyang saloobin sa nasabing teacher, ibinahagi niya ang screenshot ng mensahe ng teacher kung saan makikitang kausap nito ang ilan ding nag-aaral sa ALS. Nasabi pa nito na si Lie umano ay feeling artista na talaga namang inalmahan ng mga tagahanga ni Lie.

Game na game si Melai Cantiveros sa 'Bisaya Challenge' sa kanya ni Kim Chiu. Part 2 na ito dahil ang unang nakasama ni Kim sa kanyang bisaya challenge ay sina Maymay Entrata at Lie. Marami raw ang naghanap kay Melai sa part 1 kaya naman siniguro ni Kim na makakasama na niya ito sa part 2. Lalo pang naaliw ang mga nakapanood dahil sa makulit na tawa ni Kim na tuwang-tuwa kay Melai.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel